Mga mag-aaral ng Bataan National High School
Kulang ang mga salitang bibitiwan upang maipadama ang anararamdaman
Kaming mga guro ay naririto lng upamg kayo ay turuan at gabayan
Mga guro ay pangalawang magulang na dapat igalang
Ngunit bakit me nga mag—aaral na halos waring nawawalan ng galang
Kaming mga guro ang katuwang pagdating sa pag-aaral
Di titigil hanggat hindi natuutunan ang leksyong ibinibigay
Anumang ugali ng mag-aaral ay kayang pagpasensyahan
Sapagkat tungkuling sinumpaan hindi kakalimutan
Pagmamahal sa propesyon at sa mga mag-aaral ay lubusan
Hindi alintana ang pagod at hirap na nararanasan
Makita lamang na me naibigay na karunungan
Sa mga mag-aaral na buong panahon ay inilaan
Walang hinihinging kapalit at hindi mababayaran
Dedikasyon ng isang guro sa kanyang mga mag-aaral
Makita at malaman lamang na sila ay nabigyan ng aral
At maging matagumpay sa kahit anong larangang pasukan
By: Mrs. Jocelyn B. Asuncion | Master Teacher-I | Bataan National High School