Kampo ni Marcos, umaapela sa pagproklama ng Kongreso kay Leni Robredo bilang Bise-Presidente noong Mayo 27 sa National Board of Canvassers Sa bilang na 14,418, 817 na boto, si Camarines Sur Representative Leni Robredo and itinanghal ng Kongreso na bagong Bise-Presidente ng Pilipinas sa mismong araw ng kaarawan ng kangang yumaong asawa na si Jesse Robredo! Siya ay lubos na nagpapasalamat sa Panginoon at kanyang mga taga suporta sa pagkapanalonh ito. Ngunit may mga taong hindi nasiyahan at hindi matanggap ang resulta ng botohan, isa na rito ang kampo ni Marcos na naghahain na magkaroon re-count sa Kongreso. Si Marcos ang nanguna sa posisyong bise presidente noong mga nagdaang mga araw subalit bigla siyang naungusan ni Leni at tingin ng kanyang kampo ay dinaya ito. Pero ang mismong kongreso na ang nagsabi na si Leni talaga ang panalo para sa pagkabise-presidente. Sa ngayon, si Camarines Sur Rep. Leni Robredo ay naghahanda sa tawag ng ating bagong Presidente na si Rodrigo Duterte para sa ibibigay sa kanyang posisyon sa gabinete. Siya ay nagagalak at tatanggapin ang kahit anong desisyon ng Presidente. Naghahanda na rin siya para sa ika-30 ng Hunyo na simula ng kanilang trabaho. Habang si Marcos naman ay tatanggapin nalang ang lumabas na resulta.
By: Angelica V. Tabungar