Sa Bawat Pagsubok, Kasama ka, KAIBIGAN

Sinong di maiiyak sa mga pagsubok? Sinong di maghahanap ng payo at tulong? Pagsubok na sa aki’y humahamon; Sa iyo lang Kaibigan, sasandal at pakakanlong. Aking hiling huwag sana akong iiwan; Sa bawat pagdadaanan gusto ko, kasama ka KAIBIGAN; Kung tuluyan man sa pagsubok ay mabigatan; KAIBIGAN, ako’y palakasin  sa balikat mo ako sasandal. Sa…


Sinong di maiiyak sa mga pagsubok?

Sinong di maghahanap ng payo at tulong?

Pagsubok na sa aki’y humahamon;

Sa iyo lang Kaibigan, sasandal at pakakanlong.

Aking hiling huwag sana akong iiwan;

Sa bawat pagdadaanan gusto ko, kasama ka KAIBIGAN;

Kung tuluyan man sa pagsubok ay mabigatan;

KAIBIGAN, ako’y palakasin  sa balikat mo ako sasandal.

Sa mga pangangailangan lagi kang nariyan;

 Pinansyal man ito o pang emosyonal;

Mga halakhakan,  natin at tawanan;

 Masasayang alaala ay hindi malilimutan.

SALAMAT sa iyo aking kaibigan;

Tunay ngang ikaw ay maasahan;

Kung ako’y makita mo, na pinanghihinaan;

Ako’y palakasin, damayan mo at tulungan.

By: LOVILENE B. CUATON TEACHER I | OLONGAPO CITY NATIONAL HIGHSCHOOL | OLONGAPO CITY