Sa Mundong Ating Ginagalawan

Magtanim nang may anihin. Mensahero sa ibang larangan.                 Sa kasalukuyang panahon , maraming bagay ang pinagkakaabalahan ng mga kabataan , mula sa simpleng laro sa kalsada, na kasama ang kanilang mga kababata sa tumbang preso, Chinese garter, luksong –tinik ,patintero na pawing mga laro ng lahi sa turing.                 Sa pagbabago ng panahon, umusbong…


Magtanim nang may anihin.

Mensahero sa ibang larangan.

                Sa kasalukuyang panahon , maraming bagay ang pinagkakaabalahan ng mga kabataan , mula sa simpleng laro sa kalsada, na kasama ang kanilang mga kababata sa tumbang preso, Chinese garter, luksong –tinik ,patintero na pawing mga laro ng lahi sa turing.

                Sa pagbabago ng panahon, umusbong ang makabagong teknolohiya, game boy,  lumabas ang x-box, tablet at iba pa. Dating nakikisalamuha sa tagisan ng lakas at talino, ay nagging isahang laro na lamang.

                Sa kabilang banda, nakabibilib ang mga kabataan, sa paggamit ng makabagong teknolohiya na walang nagtuturo ay akala mo ay pinag-aralan nang pormal ang masalimuot na laro sa makabagong panahon. Pero hindi, ang katunggali niya ay kapareho niyang online , nasa ibang barangay na kaibigan , kaklase at maari ring nasa ibang bansa.

Sa makabagong panahon.

Maraming pagbabago ang nagaganap sa ating lipunan na hindi natin dinanas noong kabataan natin, ano ito?

  1. Pagkamulat nang maaga sa pre-marital sex,

Isa ang Pilipinas sa pinakamaraming kabataang babaeang maagang nabubuntis sa edad na 15-18 ,ayon sa dokumentaryo ni Malou Mangahas .

  1. Pagkagahaman sa salapi

Sa edad na 18, pag botante na ang mga kabataan, ay mulat nasa “lagay” mula sa politico na siya naming tinuligsa ni Bishop Soc  Villegas nang siya ay nakadestino ditto sa Diyosesis ng Balanga.

  1. Nangangarap nang mataas upang gamitin ang posisyon sa sariling kapakanan lamang.

Hal. Nais na maging pulis upang abusuhin ang tungkulin at kapangyarihan. Maraming kapulisan na PO1 pa lamang ay sangkot na problema ng lipunan, na sa halip ipagtanggol ang mamamayan ay sila pa ang“ bantay-salakay”

  1. Nalugmok sa droga.

Parang ordinary nalamang sa mga “pag-asa ng bayan “ na gumagamit ng “bato” na pawing problema ng lipunan. Kaya’t marami sa kanila ang nakaranas ng “Tukhang” at ang iba naman ay nasa rehabilitasyon na upang maaga pa nang pagkagumon sa droga.

Guro, ang papel na ating ginagalawan ay ang paglabas natin sa ating silid-aralan, kasabay ng pagtuturo ng panitikan ipasok natin sa kanilang mga puso ang dangal na kailangan ng ating bayan.

Sa mga gurong nagtuturo ng  x+y, nawa’y mabigyan din ng solusyon ang pagkabaliw sa salapi ng mga kabataan.

                Sa mga gurong taga hubog ng pag-uugali, maipaliwanag nawa nang mabuti na hindi para sa sarili lamang ang ginagawang pagsisikap, kundi kasama nito ang lipunan upang makabuo ng isang pamayanang maunlad at payapa.

                Sa mga guro ng siyensya, tulungan natin ang mga mag-aaral na mamulat sa masamang idudulot ng lasong kemikal ang paggamit ng droga, na siyang sisirasa sa sistema ng katawan ng bawat indibidwal .

                Malaki ang problema ng lipunan at tayo na mga guro ay nakaharap sa mga kabataang maaari  nating mailigtas at maiwaksi sa nasabing suliranin.

Ang pagbabago ay makakamit kung tayo ay magsasama-sama.  At  habang tayo ay mga guro ng mga mag-aaral na ito, nawa’y mabatid nila mula sa paaralan ang kahalagahan ng isang mabuting tao!

Sabi nga ng mga matatanda, magtanim tayo upang may anihin.

Magtanim tayo upang umani tayong mabubuting kabataan at makamit ang pagbabago na kailangan ng ng ating bayan.

Nawa ay maging mensahero tayo ng kaalaman , di lamang sa aralin, gayundin sa ganda ng buhay na kailangan ng kasalukuyang panahon na walang na sasagasaan sa mga pangarap ng iba.

               

Guro,sa mundo ng ating ginagalawan ,malaki ang papel natin sa lipunan !

By: Mrs. Anellen G. Fernandez | T-1 | Bataan National High School | Balanga City, Bataan