Sa Pagitan ng Legalidad at Moralidad

            Kasal ng lalaki sa kapwa lalaki at babae sa kapwa babae, handa na nga ba tayong mga Pilipino para rito?             Nitong nakaraan lamang napabalitang inaprubahan na sa mga estado ng Amerika ang pag-iisang dibdib ng mga lalaki sa kapwa lalaki at babae sa kapwa babae o yung mas kilala sa tawag nilang same…


            Kasal ng lalaki sa kapwa lalaki at babae sa kapwa babae, handa na nga ba tayong mga Pilipino para rito?

            Nitong nakaraan lamang napabalitang inaprubahan na sa mga estado ng Amerika ang pag-iisang dibdib ng mga lalaki sa kapwa lalaki at babae sa kapwa babae o yung mas kilala sa tawag nilang same sex marriage. Mabilis na kumalat ang balita. Nagdiwang ang mga miyembro ng LGBT o Lesbians, Gays, Bisexuals and Transgenders. Sa Pilipinas nagsagawa ng rally at pagtatanghal ang nga LGBT upang iapela na aprubahan na rin ditto ang katulad na batas. Ayon sa kanila hangad lamang nila ay ang pantay na karapatang umibig at ibigin.

            Agad ding pinagsimulan ng diskusyon sa iba’t ibang social media amg nasabing batas. Maraming sumuporta at marami ring tumaas ang kilay.

            Sa konserbatibo at Kristiyanong bansa tulad ng Pilipinas tila malabo pa nga na maisakatuparan ang ganitong uri ng batas. Ito ay isang uri ng tunggalian sa pagitan ng legalidad at moralidad at umiikot sa katanungang lahat nga ba ng legal ay moral?

            Sa bibliya malinaw na sinabi ng Panginooon na ang nga babae ay nilikha para sa lalaki at ang mga lalaki ay nilikha para sa babae. Ang hindi raw pagsunod ditto ay malinaw na hindi pagsunod sa salita ng Diyos. Samakatuwid ito ay isang malaking kasalanan. Sinasabing ang moralidad ng tao ay nababatay sa kung paano niya sinusunod ang turo ng simbahan.

            Sa kabilang banda, ang legalidad naman ay sinasabing nababatay sa kung paano sinusunod ng tao ang estado o batas na ginawa ng gobyerno.

            Noon pa man  ay isa na ring diskusyon  ang paghihiwalay ng simbahan at estado, sa aking pakiwari ay hindi dapat. Ano bang nagiging panuntunan at pamantayan ng estado sa paggawa nila ng mga batas at kautusan hindi ba’t ang bibliya rin? Kaya ng may mga batas na nagpapataw ng parusa sa sinumang pumatay, nagnakaw, nakiapid, nganasa at iba pa.

            Gayun man, hindi na rin naman bago sa lipunan ang konsepto ng sex marriage. Noong panahon ng sinaunang Griyego naniniwala sila na ang pinakamataas na uri ng pag-ibig ay makukuha lamang ng lalaki sa kaowa lalaki. Nguni’t kailangan nating linawin ang nga bagay-bagay.

            Hindi maaring ikasal sa ilalim ng simbahan ang sinumang magkapareho ng kasarian dahil ito ay taliwas s autos ng Diyos. Ngui’t maymga bagay na hindi kayang pigilan ng simbahan katulad ng pag-ibig. Ito ay isang masidhing damdamin na hindi kayang kontrolin ng ibang tao. Hindi natin pwedeng pilin kung kanino tayo iibig sapagka’t ito’y isang natural na phenomena. Kaya hindi rin naman maaaring idikta kung sino at ano ang dapat mong ibigin.

            Malaya ang lahat na ibigin kung sino ang nais niyang ibigin nguni’t dapat nating tandaan na ang lahat ng kalayaan ay may hangganan. At hindi lahat ng legal ay moral.

By: Mrs. Catherine Dinglasan | Teacher II | Emilio C. Bernabe National High School | Bagac, Bataan