Pagamautan tila isang palasyo ni kamatayan
Ang mga sakit na pangkaraniwan ay kinatatakutan
Nabalitaan daang-daan patay ang nakalatag
Di-maikubli sa mukha matinding kalungkutan
Tila naglalaho na mabubuting kaugalian
Mamamaya’y pinaglalayo pati kamag-anakan
Yaong simpleng pagmamano, paghawak sa kamay pilit iniiwasan
Alamin sanhi ng kalituhan nang lahat ay mapaghandaan
Kalungkutan, takot, at pangamba dulo nito kabataan
Kaibigang maaasahan sa ati’y sila’y inilayo
Dahil sa kalabang hindi nakikita tila lahat ay naglaho
Dalangin sa Diyos ibalik sa dating ayos.
Napakabilis nang pagbabago, tao’y nabigla dito
Lahat ng kilos naging limitado, social distancing laging pinapayo
Ngunit isa lamang ang naging sandigan ng lahat,
Diyos! Amang makapangyarihan, siya ang tunay na lakas.
By: ANNA ROSE CENTINO-RAMOS|Master Teacher I |Tapinac Senior High School |Olongapo