Sponges at Panghugas ng plato
Ang mga sponges o mga bagay na ginagamit na panghugas ng mga plato ay mas marami pang dinadalang mikrobyo kumpara sa toilet bowl. Ang mas delikado ay ang nadiskubre na pitong porsyento ng mga sponges na ito ay naglalaman ng mikrobyong methicillin-resistant Staphylococcus aureus (MRSA) o mas kilala bilang flesh-eating bacteria. Dapat palaging i-sanitize ang mga sponges pagkatapos gamitin.
Lababo at Lalagyanan ng Sipilyo
Isa rin ito sa mga madalas pagtaguan ng mga mikrobyo kaya dapat silang palaging linisin: gumamit ng diluted bleach mixture (isang kutsaritang bleach sa apat na tasang tubig) sa paglinis ng lababo at sa lalagyanan ng sipliyo naman ay linisin gamit ang mainit na tubig na may sabon, tapos hugasn mabuti.
TV Remote Control, Refrigerator Handles at Doorknobs
Ang mga virus na nagdudulot ng cold o ubo’t sipon ay kayang mabuhay sa ganitong mga lokasyon ng mahigit 24 oras. Dapat palagiang linisin ang mga ito lalo na kung isa sa mga kasama sa bahay ay maysakit.
Shopping Trolley o Pushcarts
Isang pagsusuri noong 2011 ang nakadiskubre na may E.coli o ibang bacteria sa mahigit na 70% ng mga shopping trolleys sa bansang US. Ang ibang lalagyanan ng karne ay minsan tumatagas sa shopping trolley o minsan naman ay mga bata na napapadumi ay nakaupo din sa trolley.
Pampublikong Lugar tulad ng ATM keypads
Mga doktor sa Central London ang nakatuklas na 95% sa kanilang mga sinuring ATM keypads doon ay may Staphylococcus.
Mahalagang Tip
Dapat sanayin ang sarili na maghugas ng mga kamay palagi gamit ang sabon at malinis na tubig. Dapat tumagal ito ng 20 segundo o katumbas ng pagkanta ng Happy Birthday ng dalawang beses.
Source: Reader’s Digest, June 2012 Edition
By: Beverly Porlante, Teacher II | BNHS | Balanga, Bataan