Ano nga ba ang safety seal?Ano nga ba ang safety seal?Ano ang kahalagahan nito sa ating mag-aaral?Napakahalaga na ang bawat isa sa atin ay maging ligtas at malayo sa mga bagay na sila ay mapapariwara.Bago mag-opening ang klase ay nagkaroon ng mga paghahanda sa ating paaralan. Pinag-usapan kung ano ang pwede at mga dapat nating Gawain sa papalapit na pagpasok.Bawat isa ay abala sa mga bagay na igagayak at gagawing gabay sa pagpasok. Hindi kaila sa atin ang hirap at pagod sa paggagayak. Maraming bagay na dapat ihanda at bigyan ng toon upang ito ay ating maisaayos.Bawat isa ay nagbuhos ng panahon at pagod ng katawan upang maging kaigaigaya sa ating mga mag-aaral.Napakahalagang maging ligtas sila sa kanilang papasukan . dahil ito ay ating sandata sa pagharap sa mapanghamong pandemya.Naganap ang katapusan ng paghahanda. Bawat isa ay masasabi kong nagging matagumpay dahil naihanda nila ang kani-kanilang silid-aralan upang maging progresebo ang pag-aaral ng mag-aaral.Nagkaroon ng paghaharap -harap upang maging gabay at maging guide pa ng mga guro ang ibibigaay na panukala ng mga hurado . doon masasabi mong ikaw ay gayak na gayak na . tinawag ang bawat guro sa ibat-ibang departamento sa iabat-ibang antas upang ibigay ang tinaguriang “ safety Seal” ano nga ba ito? Ito ay kapirasong papel na maituturing ngunit malalim ang kahulugan.mula sa salitang safety ay mababanaag mo ang pagiging sigurado , tumpak at masasabi mong ligtas na lugar. “ Seal” pagsinabing seal ito ay ligtas na lugar. Nakapako, nakakasiguro o ito ay sa malawakang kahulugan “ ligtas na lugar” . iyan ang tumapk na salita na maikakabit sa ‘’Safety Seal”. ligtas dapat ang lugar ng bawat isa , dahil ito ang pangalawang tahanan ng ating mag-aaral. Nagkaroon ng pagkakataon na may napili silang isang silid-aralan sa bawat anatas.Sa grade 7, ito ay nasungit ni Gng. Lorena A. ManalaysaySa grade8- Gng. Ediesa P. MendozaSa grade9: Gng Jhonalyn P. Onsanat sa grade10: Jhomar Dela Rosakaramihan sa mga gurong nabigyan ng parangal ay ang guro sa Filipino Department.Ang tuwa at kasiyahan ng bawat guro ay hindi matatawaran dahil bawat isa sa amin ay walang ideya na ito ay magiging isang malaking parangal sa aming mga guro . ang ina ng aming departamento ay kita ang galak , tuwa ay kasiyahan dahil nasungkit ng departamentong filipino ang tatlong parangal sa bawat antas.Muli ang pagiging ligtas ay palagi nating iisipin sa kadahilanang ito ay isang sandata ng bawat isa sa atin!Sabi nga:“Sa isang iglap, buhay ang kapalit”
By: EDIESA P. MENDOZA | Teacher III | BNHS