Kahirapan. Isa sa mga problemang kinahaharap ng ating bansa sa panahong umiiral ang malawakang lockdown dulot ng virus na COVID 19. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung pa’anong ang ilan sa mga kababayan partikular ang mga mag-aaral ay hirap tumugon sa mga hinihinging “requirements” ng kanilang mga paaralan sa iba’t ibang asignatura.
Marami sa mga mag-aaral ang dumadaing sa kung pa’ano nila tutugunan ang makabagong sistemang inilatag ng Department of Education (DepEd) sa taong pampanuruan 2020-2021. Ilan sa mga inihain ng nasabing kawagaran ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang tugon pang-edukasyon kagaya ng Blended Learning.
Masasabing isa itong epektibong paraan upang maihatid sa mga mag-aaral ang kalidad na edukasyon sa nasabing panahon. Ngaunit nakangangamba na sa kabila ng kabisaan nito ay marami pa rin sa mga mag-aaral ang hirap sagutan ang iba’t ibang gawain na mayroon sila sa kani-kanilang asignatura.
Ayon sa ulat ng Philippine Star (2021) may ilan sa mga mag-aaral ang pinapasok ang “sagot for sale” upang matustusan ang kanilang pangaraw-araw na pangangailangan. Ito’y kung saan sasagutan nila ang mga gawain ng kanilang kapwa mag-aaral kapalit ng maliit na halaga.
Ito’y isang malaking hamon sa Department of Education (DepEd) partikular sa mga guro na matukoy kung sino sa kanilang mga mag-aaral ang pinapasok ang nasabing sagot for sale. Isa itong problemang kinakailangan masulosyunan at matugunan upang matiyak ang kalidad na edukasyong mayroon ang bansa.
Kaya naman hinihimok ang lahat ng mga guro na magkaisa upang mabigyang pansin ang nasabing problemang kinahaharap ngayon ng kagawaran. Ito’y upang higit na makapaghatid ng makabuluhang pagkatuto sa mga mag-aaral na tutugon hindi lamang sa sarili nilang suliraning kung hindi maging sa suliraning kinahaharap ng ating bansa sa panahong kasalukuyan – kahirapan.
Sanggunian:
Philippine Star (2021), Sagot for Sale Scheme:Two Women Reveal How They Get Paid For Answering Students’ Modules. Quezon City, Philippines.
By: Johnna A. Cordero