Ang pagiging isang guro ay isang propesyong hindi madali na malayo sa paniniwala ng marami. Maraming sakripisyo ang naranasan ng bawat isang guro. Ito ay hindi biro. Sa bawat araw na kanilang pagtuturo ay naroroon ang naisin nilang mapatuto ang bawat batang Pilipino na dumadaan sa bawat taon ng kanilang pagtuturo. Kahit maraming kagamitan ang kailangan sa pag tuturo at mga kakulangan ay patuloy pa rring gumagawa ng ibang paraan mapatuto lamang ang batang kanilang tinuturuan.
Kahit sila ay tapos na sa pag aaral sa kolehiyo ay hindi pa rin natatapos sa pagaaral. Patuloy ang pag sasaliksik at pag linang ng kanilang kakayahan dahil alam nila malaki ang maitutulong nito at ito’y hindi lamang sa kanila kundi lalong higit para sa ikauunlad at ikalilinang ng kanilang mag aaral.
May mga gurong nalalagay sa paaralangn malayo sa kanilang mga tahanan na kung saan tumatawid pa sila ng dagat, bundok, at ilog upang maabot at maturuan nila ang mga bata. Kung minsan ang mga batang mag aaral na walang baon ay sila pa ang nag bibigay ng pagkain may mailagay lamang sa sikmura ng mga musmos na bata upang hindi ito ang magig hadlang sa kanilang pagtuturo.
Sa loob ng silid aralan ay sila ang tumatayong pangalawang magulang upang ituwid ang mga bata. Sumulpot man ang Child Protection Policy ay hindi ito balakid upang maituwid ang landasin ng mga bata.
Kaya dapat lamang nating pahalagahan ang bawat guro na siyang pumapanday sa isipan at kakayahan ng bawat batang Pilipino na siyang susunod yapak ng mga pinuno n gating bansa sa kasalukuyan.
By: Eloida T. Burgos | Teacher III | Sto. Niňo Biaan Elementary School Mariveles, Bataan