SALAMAT AMA!!!

Salamat Ama sa dunong na bigay, Na aming nagagamit na tungkod at gabay, Kung sasapitin ang madilim na buhay, Ay may dunong at talino na kaagapay. Paano na ang lahat kung ang mga ito’y wala, Parang pangarap ng iniukit sa bula, Kaya hanggang maaga’t maliwanag, Magsumikap at mag-aral ng masipag. Walang dapat sisihin sa bandang…


Salamat Ama sa dunong na bigay,

Na aming nagagamit na tungkod at gabay,

Kung sasapitin ang madilim na buhay,

Ay may dunong at talino na kaagapay.

Paano na ang lahat kung ang mga ito’y wala,

Parang pangarap ng iniukit sa bula,

Kaya hanggang maaga’t maliwanag,

Magsumikap at mag-aral ng masipag.

Walang dapat sisihin sa bandang huli,

Kundi ikaw na laging bingi,

Sa mga pangaral na parati,

Ng mga magulang mong sukat rati.

Kaya salamat Ama, sapagkat iyong tinupad na,

Ang panambitan ng isang gurong masigla,

Na ang lahat ng istudyante ay mag-aral na,

Upang hindi sapitin ang madlang-dusa.

By: Mr. Oliver Bactad Leonardo | Teacher 1 | Bataan National High School