SALAMAT INA, SALAMAT GURO

Sa bawat pag-iyak ng sanggol na isinilang Ang kanyang ina ay lubos ang kaligayahan Sa tagal ng pagdala niya sa kanyang sinapupunan Ngayon ay nariyan na at sa mundo ay lalaban Mula sa pagdilat, pag-gapang at paghakbang Hanggang siya ay matuto na magsulat at magbilang Ay kanyang ihinahanda para sa kinabukasan Bago siya tulungan at…


Sa bawat pag-iyak ng sanggol na isinilang

Ang kanyang ina ay lubos ang kaligayahan

Sa tagal ng pagdala niya sa kanyang sinapupunan

Ngayon ay nariyan na at sa mundo ay lalaban

Mula sa pagdilat, pag-gapang at paghakbang

Hanggang siya ay matuto na magsulat at magbilang

Ay kanyang ihinahanda para sa kinabukasan

Bago siya tulungan at hubugin sa paaralan

Ang ating mga guro na sa kanya ay lilinang

Buong umaga hanggang hapon sila ay nariyan

Nagtitiis, nagsisikap upang sila ay maturuan

Hanggang makatapos at sa eskwelahan ay lumisan

Ang batang hinubog sa pangaral at kabutihan

Kahit sa pagsubok ay hindi mababahiran

Kakayanin ang lahat ilan man ang dumaan

Kaya dapat magpasalamat sa ina at guro man

By: Jasmin Aliguin Baluyot | Bachelor of Secondary Education | Sitio Tabon, Del Rosario Pilar, Bataan