Salapi

 Gaano nga ba kahalaga ang salapi sa buhay ng tao? Gaano kaimpluwensya  ang salapi sa kanilang mundong ginagalawan? Marahil maraming tao ang sumasampalataya sa salapi dahil dito umiikot ang kanilang mundo , it ang nagpapabago ng kanilang pananaw sa kanilang buhay. May mga taong maraming salapi subalit gusto pang patuloy na magkamal nito samantalang ang…


 Gaano nga ba kahalaga ang salapi sa buhay ng tao? Gaano kaimpluwensya  ang salapi sa kanilang mundong ginagalawan?

Marahil maraming tao ang sumasampalataya sa salapi dahil dito umiikot ang kanilang mundo , it ang nagpapabago ng kanilang pananaw sa kanilang buhay.

May mga taong maraming salapi subalit gusto pang patuloy na magkamal nito samantalang ang mga wala nito ay gustong magkaroon.

Totoong kailangan ng sinuman ang salapi upang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Sa pananaw ng nakararami hindi mabubuhay ng maayos sa daigdig na ito kung wala silang salapi.Ngunit naisip mo ba minsan na ito ang nagiging ugat ng kasamaan?

Maraming tao ang nagpapatayan , nakakulong dahil sa pagnanakaw , nakapanghuhusga ng kapwa , nagiging gahaman , mapagmataas , hambog at ang pinakamasaklap sa lahat maraming pamilya ang nawawasak nang dahil sa kapangyarihan ng salapi sapagkat nagbubunga ito ng kapahamakan at maaaring humantong sa kamatayan.

Dapat na maunawaan ng isang tao na hindi lamang salapi ang lahat-lahat sa kaniyang buhay.Hindi ito lamang ang kanyang mundo. Hindi ang salapi lamang ang magpapaikot ng kanyang isipan at maging sukatan ng kaligayahn  , ng tagumpay , ng kakuntentuhan sa buhay,

Salapi.Salapi? Mapambibili mo ba ito ng pagmamahal? ng tunay at wagas na kaligayahan? Hindi mo kailanman makakausap at mapagtatapatan ng problema at makapagbibigay sayo ng isang tunay na kaibigan.

Alam natin na bagamat mahalaga ang salapi sa buhay ng tao dahil sa pagbili natin ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain , kagamitan , at mga kailangang materyal na hindi naman nangangahulugang lubos tayong nasisilaw sa kislap ng salapi at malilimutan na ntin ang pagiging makatao at tuluyan nang mawawala ang ating puso.

Ang kailangan natin ay matutong magmahal sa Maykapal , sa bayan , sa kapwa tao at maging sa kalikasan. Ang taong hindi marunong magmahal ay hindi dapat umasang siya ay mamahalin din.

Laging tandaan, tayo ang dapat  na maging Panginoon ng salapi at hindi ang salapi ang Panginoon natin.

By: Grace B. Almario