Sa loob ng isang tahanan si nanay ay laging nag preprepara ng ulam na kung saan ibat-ibang sangkap kanyang inilalagay upang inyong ulam ay maging masarap.
Sa loob ng paaralan si maam ay gumagawa ng ibat-ibang gawain o sangkap para ikaw ay mapatuto ng iyong kinabukasan ay sigurado.
Si maam ay naghanap at nag print ng marungko para pagbasa mo ay maging mabilis.
Si maam nag gawa ng flash card na may ibat-ibang numero para ito ay iyong makabisado nanduong may pagdagdag,pagbawas,pagpaparami at minsan nga ay paghahati-hati ng ibat-ibang numero nang sa pagbili mo ikaw ay di maloko.
Si maam na gumawa pa ng tsart para cvc words,basic sight words at dolch words iyong mapag-aralan.
Si maam na namili ng maikling kwento para sa iyo ay makatulong ng sa iyong pagbasa kwento ay titimo.
Si maam na inaabot ng gabi sa paggawa ng aralin na ituturo sa inyong klase para kinabukasan lesson ay maging aktibo.
Ilan lamang ito sa ibat-ibang gawain na hinahanda ni maam sa loob ng silid-aralan mga sangkap ng pagkatuto na makakatulong sayo ng malaki para pag dating ng araw pangarap mo ay makamit.
By: APRILYNE S. MENDOZA /TEACHER I/ BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL/BALANGA CITY, BATAAN