School + ALS = Education For All

Ang mga paaralan ay isang institusyon na kinikilala sa lipunan na tanging makatutugon sa mga pangangailangan ng mga estudyante na papasok dito. Ang pangunahing malasakit nito ay upang tulungan ang mga magulang sa gamapaning maituro sa bata ang mga dapat nilang matutunan upang mapaunlad ang sarili, maging produktibo at matalinong tao sa komunidad. Ang pagpasok…


Ang mga paaralan ay isang institusyon na kinikilala sa lipunan na tanging makatutugon sa mga pangangailangan ng mga estudyante na papasok dito. Ang pangunahing malasakit nito ay upang tulungan ang mga magulang sa gamapaning maituro sa bata ang mga dapat nilang matutunan upang mapaunlad ang sarili, maging produktibo at matalinong tao sa komunidad. Ang pagpasok ng mga mag-aaral sa paaralan ay magbibigay ng pagkakataon para sa mga karanasan sa pag-aaral na may kinalaman sa pakikipag-kapwa tao sa lipunan, pagbuo ng makabansang karakter, paglago ng personalidad at pagpapasya o paninindigang pambansa at pagpapayaman sa pisikal, intelektuwal at esprituwal ng mga mag-aaral.

Sa lahat ng antas pang-edukasyon, ang sanhi ng mga eskwelahan para sa kabuuang kaayusan ng komunidad at bilang bunga rin nito na maidulot nito sa mga tao ang makabuluhan, maunlad at matalinong paggamit sa mga pinagkukunan. Sa makatuwid ay ang progresibo at pag-angat sa moral ng mga mag-aaral patungo sa pangkalahatang pagtatagumpay.

Tingnan natin ang ating kapaligiran. Makikita natin ang mga naidulot ng mga paaralan at ang kasalukuyang idinudulot nito sa mga tao sa sarili nating lugar. Isipin mo ang mga educational establishment na nasa iyong bayan? Paano kaya kung wala ni isa mang school dito? Naiisip mo ba kung ano kaya ang mangyayari sa bansa kung walang mga paaralan?

Masasabi ng sinuman na katotohanan o fact na ang eskwelahan ang dapat pasukan ng tao upang matuto. Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang matinding suliranin sa  kakulangan ng mga paaralan sa mga kwalipikadong guro, reperensiyang-aklat, silid-aralan, computers at marami pang iba. Na  marami pa ring lugar ang walang mamamalas na anumang school. Ang reyalisasyong ito na hindi kayang tugunan ng school system ang mithiing maturuan ang lahat o maibigay ang tinatawag na “Education-for-all” o EFA na malapit nang matapos sa taong 2015 na naglalayon sa humigit-kumulang zero illiteracy ng mga mamamayan sa bansa. Ang educational task na ito ay imposible para sa pormal na sistema kung wala ang alternatibong sistema? Ang sistema ng edukasyon na kung susuriin ay taglay rin ang mga kasanayan na itinuturo rin sa pormal. Na kung uunawain ay katulad rin ng kanilang mga hangarin na maituro ang dapat matutunan ng mga mag-aaral subalit ito ay mangyayari na sa labas ng mga paaralan gamit ang mas palakaibigang-istratehiya at gamit sa mga pag-aaral.

Ang ating konstitusyon ay naghain ng mga pangunahing kalakaran patungkol sa mga dapat pagyamanin o kung paano hubugin ang kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga paaralan at ng Alternatibong Sistema ng Pag-aaral (ALS). At ang gampaning makapagbigay ng edukasyon para sa lahat ng Pilipino ay iniatang sa Department of Education (DepEd). Edukasyong na sisikaping maihatid alinman sa dalawang eksistidong sistema; ang pormal at alternatibong sistema.

Magiting na isinusulong ng ating pamahalaan ang libre at de-kalidad na edukasyon. At ang pagbibigay-edukasyon ay may mga tuntuning sinusunod para sa mga espisipikong mga aralin o leksyon at mga kasanayan na ituturo ng mga guro sa mga mag-aaral. Ang mga batayan na katangian sa paghubog ng mga mag-aaral ay ang mga sumususunod; intelektuwal, panlipunan, espirituwal, pang-ekonomiya, pampulitika, pang-kultura, kabutihang-asal o moral, at pampisikal.

Maaaring sukatin at bigyan natin ng opinyon ang hangarin at mga layunin ng programa o proyekto at aktibidad ng edukasyong-pormal at alternatibong sistema ng pag-aaral. Ngunit walang sinuman ang makakapag-demoralisa upang pigilan ang mga ito. Ang katotohanang napakalaki ng ginagampanang papel upang makapag-bigay ng edukasyon sa mga kabataan at katandaan na patuloy na naghahangad dito, pangunahin na ang mga guro sa Kagawaran ng Edukasyon ay magiging positibo ang kanilang pananaw na maibahagi ang edukasyong para sa lahat. Na ang eskwelahan at ALS ay magkasanib sa nilalaman at pwersa para sa iisang hangarin; ang hubugin ang batang Pilipino; sa isip, sa salita at sa gawa at ang pagpapatuloy sa pag-uumpisa ng walang katapusang mga pagbabago. 

By: Junaryz Roger S. Esdicul