Ginagamit daw natin ang salitang “stress” kapag nakakaramdam tayo ng mga bagay ay lumalabis tayo at maraming nagtataka kung tayo ba talaga ay may kakayahang pagtagumpayan ang mga panggigipit na inilalagay sa atin.Nordquist [2015]
Idinagdag pa ni Nordquist na anumang bagay na nagtataglay ng pagsubok o banta sa ating kabutihang pantao ay “ stress”.
Ang ibang stress ay itatawid ka sa iyong pang-araw-araw n buhay at ang mga ito ay mabutipara sa iyo. Ang kawalan ng anumang stress ay nagsasabi na an gating buhay ay nawawalan ng kabuluhan at maaring mawalan ng direksyon. Subalit kung ang stress ay nakaapekto sa ating mental at pisikal na kalusugan sila ay nakakasama.
Ayon ka Dorlen, “ hindi na kagulat-gulat na makaranas ng stress ang mga mag-aaral sa Senior High School. Ang kanilang kurso ay mas mahirap kaysa sa dati, nakararanas sila ng stress fahil sila ay napupuwersang mag-aral nang mas mabuti upang makapasok sa isang maganda o tamang kolehiyo o kung ano ang trabahong kanilang papasukin matapos silang magkolehiyo. Ang pagkakaroon ng kaalaman o pang-unawa sa kung bakit nakakaranas ng stress ang mag-aaral sa Senior High School ukol sa kanilang stressor o di kaya ay matulungan din ng iba pang mag-aaral na nakararanas ng stress.
May apat na pangunahing bagay upang mapaglabanan ito lalo na kung ang mga magulang ang may malaking papel na gagampanan sa kanilang mga anak na papasok sa Senior High School. Makatutulong ang mga sumusunod: Una, MAGING MAAYOS, tulunan ang inyong anak na gumawa ng maayos na iskedyul ng gawain. Iiskedyul ang gawain ng malalaking proyekto na gugugol ng matagal na panahon bago makumpleto. Bigyan ang inyong anak ng maayos na lugar na maaari njiyang paggawaan at sa huli gumawa ng mga batas na nagsasaad ng oras kung kalian kailangang mag-aral. Ang mga cellphone o maging ang telebisyon ay dapat na nakapatay at ang gamit ng intertnet ay sa pananaliksiklamang.
Ikalawa,PRAYORIDAD, mahalaga na makisama sa iba’t ibang gawain, ngunit dapat ding malaman kung ano ang mga gawaing maaaring bitiwan at gawin.Alamin ang mga bagay na makapaghihintay ng panahon. Ang mga magulang ay makatutulong na mag-isip ng mga makatotohanang pangarap o hangarin, maging sa labas at loob ng paaralan , ayon sa Family Education. Com. Ang pagkakaroon ng hangarin na may mas mataas na posibilidad ng pagkakamit ay makatutulong sa kanya upang magkaroon ng pag-asa.
Ikatlo, MAMUHAY NG MALUSOG . Ang pagtulog ay mahalagang bagay tungo sa pamumuhay ng malusog. Ang kabataan ay nangangailanagan ng sampung [10] oras na tulog. Ang ehersisyo rin ay isa sa pinakamagandang paraan upang makabawas ng tension. Ayon sa artikulo mula sa New York Times, galing sa blogger na si Gretchen Reynolds, may mga pag-aaral na nagsasaad na ang pagsasagawa ng regular na ehersisyo ay nakatutulong upang maiba ang takbo n gating utak at ng mabawasan ang stress. Kumain ng pagkaing mainam. Ang mga pagkaing mataba at mataas sa kolasterol ay maaaring makapagbigay ng mabigat na pakiramdam sa isang mag-aaral kaya’t kung maayos ang kakainin ng isang mag-aaral sa maghapon ay nakatutulong ito upang maging malakas ang katawan sa maghapon. Magbigay ng panahon upang maglibang, nangangailanagan din ng panahon upang maglibang, magsaya at magpahinga. Ang pagtawa ay isa talagang mabisang gamut. Ayon sa Laughter Tress Focus. Com ang Pagkakaroon ng isang masayang pag-uugali ay nakatutulong upang mabawasan ang tension sa utak n gating katawan.
Ikaapat,MAGPAKITA NG SUPORTA. Nakatutulong ang magulang kung hahayaan ang mga anak na magkuwento tungkol sa kanyang mga stress, alamin ang nagbibigay ng kalungkutan sa inyong anank upang matulungan silang mabawasan ang stress. Magkaroon ng isang positibong pananaw. Ayon sa About.Com ang simpleng pagkilala sa mga nagawa ng iyong anak ay makatutulong upang magkaroon siya ng tiwala sa sariling kakayahan.
At sa huli , palaging isaisip na magkaiba ang pagtugon ng babae sa stress, ayon sa Stress Focus . Com ang mga babae ay madalas na naghahanap ng mga gabay o suporta, samantalang ang mga lalaki naman ay naghahanap ng mga bagay na makapagpapaalis ng kanilang atensyon sa stress o maaari nilang gawin upang maiwasan ito.
Sa kabuuan ang pinakamahalaga pa rin sa lahat ay ang gabay ng pamilya at panalangin na mapaglabanan ang nagdududlot nito.
Pinaghanguan:
Nordquist, C. [2015,Dec.14] What is Stress? How to Deal With Stress.Retrieved March 3, 2017.From Medical Nurse Today.
Verna , S.And Gupta,T. [1990] Some Aspect of High Academic Stress and Symptoms. Journal of Personality and Clinical Studies, 7-12.
By: Flordeliza B. Castor | T-III | Bataan National High School | Balanga, Bataan