Isa sa mga suliranin na kinakaharap ng magulang lalo na sa anak na papasok pa lamang sa paaralan sa unang pagkakataon ay ang “SEPANX” o “separation anxiety.” Ito ay ang pagiging balisa ng bata dahil sa pagkakahiwalay nito sa magulang sa oras ng klase. Hindi siya mapakali at laging aligaga na mauuwi sa pag-iinarte ng bata.
Maaari nating sundin ang mga sumusunod na tips upang maibsan ang ganitong suliranin at para maging masaya ang pag-aaral hindi lamang sa magulang kundi sa mag-aaral na rin.
- Ipakita sa bata ang mga kagamitan niya na dadalhin sa paaralan upang ma-enganyo siyang pumasok. Ipasyal din siya sa classroom niya bago magpasukan upang maging pamilyar na siya dito at hindi manibago.
- Kaibiganin hindi lamang ang mga magiging kaklase ng iyong anak kungdi pati na rin ang mga magulang nila na makakatuwang mo din sa paglaki ng iyong anak.
- Palaging kausapin din ang titser para malaman ang mga gagawin ng anak mo sa araw-araw sa paaralan. Sa ganitong paraan, magagabayan mo rin siya pagdating sa bahay at para maging aktib siya sa mga aktibidad sa paaralan.
- Ipaliwanag mo sa kanya ang kahalagahan ng pag-aaral at gaano din ito kasaya dahil sa daming na maaaring gawin dito tulad nang pagsusulat, pagbabasa, pagsasayaw, pagkanta, paglalaro at marami pang iba.
- Ipabaon mo sa kanya ang mga masusustansyang pagkain kinahihiligan niya para maging magaan ang pakiramdam niya lalo na sa recess.
- Lagi sabihan siya na huwag mag-alala lalo na sa pag-uwi dahil palagi mo siya hihintayin sa waiting area sa paaralan o kaya susunduin mo siya kapag sila ay uwian na. Sa ganitong paraan, masasanay na siya sa buhay mag-aaral hanggang dumating ang araw na kaya na niyang umuwing mag-isa.
By: Mayette D.Tuazon, Teacher III | BNHS | Balanga, Bataan