“Serenity”

Alisin mo sa amin ang lahat ng yaman, alisin an gaming malusog na pangangarawan at gawing kagahulan. Paano kung pati ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay ay mawala, anong kaguluhan ba ang maaaring idulot nito sa atin? At lalong isang malaking tanong paano kung mawala ang “pag-asa”, siguradong pabulasok tayong babagsak sa balon ng kadilim…


Alisin mo sa amin ang lahat ng yaman, alisin an gaming malusog na pangangarawan at gawing kagahulan. Paano kung pati ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay ay mawala, anong kaguluhan ba ang maaaring idulot nito sa atin?

At lalong isang malaking tanong paano kung mawala ang “pag-asa”, siguradong pabulasok tayong babagsak sa balon ng kadilim at palagi nating itatanong “hanggang kailan? Bakit” 

Ngunit laging may pag asa kung paanong sa niyembe ay sumisibol na mga halaman, sa disyerto may oasis na maaring pagpahingaan, sa init ng bulkan may diyamanteng nabubuo.

Kadalasn tayo taong mismo ang nagkukulong sa ating sarili sa kalungkutan, galit, kabiguan ta kawalan ng kapanatagan sa ating mga sarili.

At ang ating lipunan ang nagdidikta sa atin kadalasan, sa paggawa ng mga bagay na lihis sa tama at kabutihan, kadalasan tinatambak natin sa ating mga isaipan na tayo ay mga tanyag at matagumpay at makapangyarihan. Palagi nating ipinagyayabang sa lahat nang mga karangalan na ating nakakamit at gusto natin buong mundo ang makabatid nito ngunit ang ironiya na mga bagay na ito sa halip na katiwasayan at sarili pagtatagumpay ang ating maramdaman ang laging pumupuno sa ating sikmura ay ang “ ang aking pangarap”, “ang aking nagawa”, “ aking naisin”, “ ang aking proyekto”, “ang aking lahat” na nagbubunga  kadalasan ng kawalan ng “ kakontentuhan”.

Ang kapayapaan at katiwaasayan ay napakahirap makamit. Kadalasan sa gabi bago natin ipikit ang ating mga mata upang matulog at ay sumasakit pa rin ang tukso ng takot at pangamba. Takot sa buhay natin, takot sa ating kinabukasan, pangamba sa gugulin, pangamba sa trabaho, pangamba sa kalagayan ng mahal sa buhay at napakarami pang takot na nagbubunga ng negatibong palagay.

Marahil ito ang bunga ng sobrang nating pagmamahal sa ating mga sarili at kawalan ng pananalig sa Diyos. Maaaring bunga ng kawalan ang pag aalay ng sarili sa paglilingkod.

Ang takot na pangsarili na nagbubunga ng takot sa magiging resulta nito na nagiging daan din upang na kalimutan natin ang paggawa ng kabutihan.

Mas makakabuting damhin natin ang katahimik ng ating kalooban ng ating puso at manalangin tayo ng tapat sa Panginoon upang lubos natin matukoy ano ng aba ang dahilan ng Diyos sa pagpapadala niya sa ating sa lupa.

Maraming dahilan kung bakit tayo patuloy na binibigyan ng panginoon ng buhay sa araw-araw kaya dapat natin na ipagpasalamat sa tuwina at sagutin ang dahilan ng ating pananatili sa mundo.

 Madalas ito na ipinawawalang bahala natin dahil tayo ay nabubuhay sa makamundong buhay. naaliw tayo sa pansamantala kaligayahan dala ng bawat tagumpay na ating tinatamasa. Sa material na bagay na akala natin ay tunay bunga ng ating kaligayahan.

Malamig ang dampyo ng hangin sa aking abalt, dati hindi koi to napapansin dahil nakakulong ako sa “airconditioned room”, mas masarap pala sa pakiramdam ang banayad na haplos nito sa akin. Mas masarap palang makinig sa huni ng ibon, pahapyaw na usapan ng mga tao sa paligid, pa minsang busina ng mga sasakyan kaysa mga boses naming sa “meeting” pagpaplano para sa kinabukasan, paghahanda at marami pang usapan na bumibingi sa akin na minsan kami mismo ay hindi na rin magkakaunawaan dahil walang gustong makinig. Masarap palang matulog na baon mo sa sarili mo ang kapayapaan at inaalay mo lamang lahat sa Diyos ang bukas.

Puno tayo ng kaabalahanan sa ating mga sarili sa maraming bagay, balakin, naisin ay nawawalan din tayo. Hindi natin alam nasa bawat nangyayari sa ating buhay ay paghahanda ng Diyos sa atin upang mapagtagumpayan natin ang kanyang plano para sa atin.

Sana ay makita natin kung gaano katamihik an gating buhay kung tayo ay mabubuhay sa paniniwalang ang Diyos ang bahala sa lahat, na kapag ito ang lahat ay inialay mo batay sa kanyang kalooban ang buhay na tahimik at payapa ang iyong makakamit.

Sa tuwina lagi nating itanim sa ating mga puso ang kahalagahan ng “matibay na pananalig” sa plano ng Diyos sa ating buhay.

Ang katiwasayan ng puso at kaluluwa ay mahirap makamtam, humanap ka sa salamain at tumingin mo ang puso mo kung mayroon ka nito, sa katahimikan naroon ang mensahe ng Diyos na sa sobrang ingay ng paligid ay hindi natin marinig.

By: Soren Loviza O. Espiritu | Teacher I | BNHS | Balanga, Bataan