SILAY

Mula nang makilala ka, Pananaw ko ay nag-iba, Simpleng pangarap sa tuwina, Buhay naging mas masaya. Araw-araw kang makita, Pananabik  nadarama, Dalangin ko nga sa Kanya, Masilayan ka’y ayos na. Buhay puno ng pag-asa, Basta’t andyan aking sinta, Wala ng gagaan pa, Kung ikaw ang aking kasama. Sa tuwing ako’y mag-isa, Masasayang ala-ala, Sa tuwina’y…


Mula nang makilala ka,

Pananaw ko ay nag-iba,

Simpleng pangarap sa tuwina,

Buhay naging mas masaya.

Araw-araw kang makita,

Pananabik  nadarama,

Dalangin ko nga sa Kanya,

Masilayan ka’y ayos na.

Buhay puno ng pag-asa,

Basta’t andyan aking sinta,

Wala ng gagaan pa,

Kung ikaw ang aking kasama.

Sa tuwing ako’y mag-isa,

Masasayang ala-ala,

Sa tuwina’y ginugunita,

Nawa’y makapiling kita.

By: Edwin O. Marcos


Previous
Next