SILID AKLATAN

Isang umaga, isang gabi Araw araw magkatabi Mga mensahe na pumukaw Ng aking puso’t damdamin Sa apat na sulok ng silid Sa aklat na pinagbuklod Mga salitang nagsasabing Ako’y iyong basahin Mga problema at suliranin Mga sulat at likhain Ang sagot sa pusong nanamlay Salamat sa silid na nagbigay-buhay Ngayon ang buhay ko’y naging makulay…


Isang umaga, isang gabi

Araw araw magkatabi

Mga mensahe na pumukaw

Ng aking puso’t damdamin

Sa apat na sulok ng silid

Sa aklat na pinagbuklod

Mga salitang nagsasabing

Ako’y iyong basahin

Mga problema at suliranin

Mga sulat at likhain

Ang sagot sa pusong nanamlay

Salamat sa silid na nagbigay-buhay

Ngayon ang buhay ko’y naging makulay

 

By: Racquel E. Morales|Librarian III|Pilar Rural High School |Pilar, Abra