SINING NG PAKIKIPAGUGNAYAN : KASANAYANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG GURO

Ang sabi ng ilang linya sa isang awiting madalas nating marinig mula sa koro ng mga simbahan: “ walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.  Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t-isa.  Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na makapiling Niya. Tunay na hindi mo masasabi kaninuman na mabubuhay ka kahit wala kang kasamang…


Ang sabi ng ilang linya sa isang awiting madalas nating marinig mula sa koro ng mga simbahan: “ walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.  Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t-isa.  Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na makapiling Niya. Tunay na hindi mo masasabi kaninuman na mabubuhay ka kahit wala kang kasamang iba, na mabubuhay ka kahit di ka makialam o pakialaman ng iba.

Sa larangan ng pagtuturo o edukasyon, mahalaga ang pakikipag-ugnayan o pakikipagtalastasan.  Mas matagal ang inilalagi ng mga mag-aaral at guro sa paaralan kaysa sa bahay , maliban kung araw ng Sabado o Linggo ..  Ibig sabihin ay mas maraming oras ang iyong nagugugol bilang guro sa pakikipagugnayan sa kapuwa guro at sa mga mag-aaral at sa iba pang mga tao na iyong nakakasalamuha, kagaya ng supervisor, punong-guro mga panauhin at iba pang mga taga pamayanan.   Ngunit masasabi mo bang tapat ang iyong pakikipag-ugnayan sa iyong kapuwa?  Kasabay nito ay maiuugnay mo pa din ang salitang pakikipagtalastasan.Ito ay isang paraan upang maipahayag o maiparating mo saiyong kapuwa ang iyong mensahe, opinion, ideya saloobin.Ngunit bago mo maiparating ang lahat ng ito ay kailangan mo din ang iyong kapuwa upang magkaroon ng ugnayan ng dalawang tao o higit pa.   Ang pakikipag-ugnayan o pakikipagtalastasan ay nagaganap sa paraang palimbag (printed) , broadcast o personal na pakikipag-usap.

                  Alinman sa mga midyum na gagamitin, malinaw na ang tao, guro man o mag-aaral o mga taong may ibang uri ng hanap-buhay ay kailangang matutuhan ang sining na ito, na nagsisilbing mahalagang sangkep para sa mabuting pakikipagkapuwa. 

               Ang sabi sa aklat ng Roma15:1-7”Kung papaanong kayo’y malugod na tinanggap niKristo, gayon ang gawin ninyo sa isa’t-isa upang maparangalan ninyo ang Diyos.”

Sanggunian:

  Websters Student’s Dictionary                                                 

By: Joy J. Ilaya | Teacher 1 | Balanga Elementary School | Balanga City, Bataan