“SIYETE PESOS”

Ang paaralan,ikalawang tahanan Gabay ng kabataan,sa bigay na karunungan Edukasyon,mahalagang puhunan Himig pag-asa sa magandang kinabukasan “Kuya ,paabot  po ng bayad!” “Magkano po ang pamasahe?”…………          Sa bawat oras na lumilipas,pira-pirasong kaalaman ang aking natutuhan,na unti –unti dumadami ang      nabubuo, Mga bagay na sumasagot sa mga tanong na minsa’y patuloy na naghahanap ng kasagutan.            …


Ang paaralan,ikalawang tahanan

Gabay ng kabataan,sa bigay na karunungan

Edukasyon,mahalagang puhunan

Himig pag-asa sa magandang kinabukasan

“Kuya ,paabot  po ng bayad!”

“Magkano po ang pamasahe?”…………

         Sa bawat oras na lumilipas,pira-pirasong kaalaman ang aking natutuhan,na unti –unti dumadami ang      nabubuo, Mga bagay na sumasagot sa mga tanong na minsa’y patuloy na naghahanap ng kasagutan.

            Sinasabing ang paaralan ang nagsisilbing ilaw na nagbibigay liwanag sa kinabukasan ng isang kabataan. Ang paaralan ang huhubog sa pangarap ng bawat tao,Ang tao ang magpapasiya kung ito ba’y pahahalagahan natin o pababayaan na lamang maglaho.

            Ang Bataan National High School ay tila paraisong walang hanggan dahil ditto nabubuo ang isang pangarap…..umuusbong..yumayabong at namumunga.

            Maraming hakbang na ang aking nagawa sa aking pagpunta at pag-alis sa paaralang ito.Subalit sa mga panahon na iyon hindi pa rin sapat ang mga kuwentong nabuo upang ipakilala ang paaralang ito.Sa mga buhay na binago nito.

Bataan National High School,may sariling pangalan

Ipinagmamalaki,nagging tanyag sa lipunan

Taas noo,ipagmalaki sa sinuman

Nagsisilbing gabay,timbulan ng kabataan

            Pinagmamasdan ko ang paligid,sa malawak na lupain nito nasasakupan,sariwang hangin,nagtataasang gusali,ang mga kapwa ko gurong lumilinang at humuhubog sa kaalaman ng mga kabataan,mga kabataang sabik sa kaalamang ibibigay ng paaralang ito.Sa mahigit isandaang taon ng pagkatatag gaano na karaming kabataan ang nagtagumpay,ang nalihis ng landas,at ang patuloy na gumagawa ng pangalan.

            Sa muli kong paghakbang matuon kong pinagmasdan ang bantayog ni Cayetano Arellano,nakangiti siya sa tingin ko.

Cayetao Arellano,ang iyong pangalan

Bantayog ng pinagmulan nitong paaralan

Libo-libong mag-aaral ang sa iyo’y dumaan

Taos pusong pasasalamat,sa iyo ay alay  

           Masaya akong bumulong ng isang pasasalamat sa kanya,dahil kung hindi sa kanya nasaan na kaya ang mga kabataang ito? Nasaan din kaya ako???

Ang tahanang  ito,simbolo ng hagdan

Pangarap ng dapat akyatin

Dahil pag-asa ang natatanaw

Magandang bukas,handog sa amin

            Salamat sa panibagong araw ng paglalakbay,pagbabalik-tanaw,pagbibigay ng pasasalamat.Baunin sana ng bawat taong nanahan.Sa paaralang ito ang mga kuwentong bumuo sa pangarap ng sinuman na sa kabila ng modernisasyon at teknolohiya huwag sanang kalimutang balikan ang pinagmulan.Mga ala-alang sasalamin sa nakaraan,magiging tanglaw ng kasalukuyan at magiging yaman sa hinaharap.

“Magkano nga ulit kuya?”

“Siyete pesos po Mam”

            Tiningnan ko ang barya sa aking palad,may kapupuntahan pala ito sa tuwing sasakay ako ng shuttle patungo sa mahal kong paaralan.

By: Jhonalyn P.Onsan | T-I |Bataan National High School City Of Balanga