Stop Abortion

Hello … Ako nga pla si … ay wala pa pala akong pangalan . Nandito pa pala ako sa loob ng tiyan ni MAMA, matatagalan pa siguro bago ako makalabas. Gusto ko na ngang lumabas para mapasaya ko si MAMA kasi lagi ko silang nadidinig na nag-aaway ni PAPA at parang ako ang dahilan. Nag-iisip…


Hello … Ako nga pla si … ay wala pa pala akong pangalan . Nandito pa pala ako sa loob ng tiyan ni MAMA, matatagalan pa siguro bago ako makalabas. Gusto ko na ngang lumabas para mapasaya ko si MAMA kasi lagi ko silang nadidinig na nag-aaway ni PAPA at parang ako ang dahilan. Nag-iisip nga ako ng paraan para mapatawa ko sila si MAMA paglabas ko magsasayaw at kakantahan ko si MAMA. Tapos mag-aaral akong mabuti. Gusto kong maging Nars para maalagaan ko si MAMA at si PAPA. Para din a nila ako sinisisi. Minsan nga may pumasok dito mapait na mapait pero hinihigpitan ko ang kapit para di ako mahulog sa butas. Iniisip ko na lang na paglabas ko yayakapin ko ng mahigpit si MAMA para maramdaman nyang mahal na mahal ko siya. Minsan nga din may narinig akong boses ng lola pinipindot ang tiyan ni MAMA. Ang sakit nga ng katawan ko eh pero hinigpitan ko pa rin ang kapit.

Habang andito ako sa loob mag-iisip na lang ako ng mga bagay na pwede kong gawin paglabas ko para mapasay at maiparamdam ko kay MAMA at PAPA na mahal ko sila.

Teka ano yun umiiyak si yata si MAMA. Si MAMA nga umiiyak naku oras na yata ng paglabas ko dito, pero teka bakit bakal ang humahawak sa akin, bakit hindi kamay ng isang nakaputing babae. Bakit nilalagay ako sa loob ng isang boteng babasagin, panu ako makakapaglaro dito. Si MAMA nasan si MAMA? Umiiyak nga sya pero bakit binibigyan nya pa ng pera ang matandang babaeng iyon ?

MAMA, MAMA wag mo akong iwan maglalaro pa tayo. MAMA MAMA.

Kelan kaya ako babalikan ni MAMA? Di bale habang wala pa si MAMA, mag-iisip ulit ako kung pano ko pa siya mapapasaya . Paglaki ko aalagaan ko siya . Hay! Parang gusto ko ng matulog, matulog ng mahimbing.

By: Charito V. De Leon | Teacher I | Pablo Roman National High School | Pilar, Bataan