STUDY HABIT: MABUTI o MASAMA

Edukasyon ang pinakamahalaga sa bawat tao ito ang tanging yaman na hindi mabibili, masusukat at makukuha ng kahit na sino. May ibat-ibang uri ng pag-aaral ang mga mag-aaral ilan dito ay nakakabuti at ilan naman ay pupuwedeng makasama kung hindi ito mabibigyan pansin. Kailan nga ba natin masasabi na ang pag-aaral ay nagiging mabuti? Ilan…


Edukasyon ang pinakamahalaga sa bawat tao ito ang tanging yaman na hindi mabibili, masusukat at makukuha ng kahit na sino. May ibat-ibang uri ng pag-aaral ang mga mag-aaral ilan dito ay nakakabuti at ilan naman ay pupuwedeng makasama kung hindi ito mabibigyan pansin.

Kailan nga ba natin masasabi na ang pag-aaral ay nagiging mabuti? Ilan sa mga mabubuting pag-aaral na tinataglay ng isang batang katulad mo ay matutunong magkaroon ng magandang komunikasyon sa iyong guro, mag hanap ng sapat na lugar kung saan ikaw ay magkakaroon ng pokus sa iyong pag-aaral, maglagay ng itinakdang oras o panahon para sa iyong pag-aaral, mag-aral ng iyong leksyon pagdating sa tahanan at mag enjoy sa pag-aaral kasama ang iyong mga kamag-aral. Ilan lamang ito sa mga mabubuting study habit ng isang batang katulad mo.

Kailan naman natin masasabi na ang pag-aaral ay nagiging masama? Mayroon ilang halimbawa ng negatibong pag-aaral una kung ikaw ay nagpupuyat para tapusin ang iyong leksyon, takdang arali o pagsusulit na inaabot ng umaga, kung ikaw ay walang sapat na komunikasyon sa iyong guro, kung ikaw ay hindi nagkakaroon ng oras para maglaro, maglibang o magsaya, at kung ikaw ay nawawalan na ng oras sa iyong pamilya, kaibigan o kamag-aral.

Ikaw bilang bata ano ang iyong study habit? Ikaw ba ay nasa Mabuti o Masamang ugali ng pag-aaral, iyong tuklasin para iyong malaman at ng sa ganun iyong maproteksyunan ang iyong sarili sa ibat-ibang gawi ng pag-aaral.

By: Mary Ann D. Vasquez | Teacher I| Cupang Integrated School |Balanga City, Bataan