SULIRANIN SA KAALAMAN

Bago magtapos ang  taon ng isang mag-aaral, malaking bahagi ang bilang ng araw na ipinasok sa klase ng mag-aaral upang magkarron ng magandang marka. Kung malimit na pumasok ang mag-aaral sa klase ay mayroon siyang mas mataas na tiyansa na pumasa dahil makagagawa siya ng mga gawaing iaatang ng guro sa paaralan at makakapagsagot sa…


Bago magtapos ang  taon ng isang mag-aaral, malaking bahagi ang bilang ng araw na ipinasok sa klase ng mag-aaral upang magkarron ng magandang marka. Kung malimit na pumasok ang mag-aaral sa klase ay mayroon siyang mas mataas na tiyansa na pumasa dahil makagagawa siya ng mga gawaing iaatang ng guro sa paaralan at makakapagsagot sa mga pagsusulit na ibibigay ng guro.

Sa kasalukuyan, isinama sa mga tungkulin ng guro ang pagsasagawa ng tinatawag na home visitations o pagpunta sa mga bahay ng mga mag-aaral lalo’t kung napapadalas ang pagliban ng mga ito sa klase. Isa itong paraan kung saan magagabayan ng guro ang mga mag-aaral kahit lumiban ito sa klase. Matutukoy ng guro ang  dahilan ng pagliban at maaring makausap ang mga magulang ng mag-aaral tungkol sa estado ng mag-aaral sa loob ng paaralan. Ang pamamaraang ito ay pinagsamang pagtutulungan ng guro at magulang para sa maayos na kalagayan ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan.

Bilang isang guro, ay minabuti kong magsagawa ng home visitations sa mga baryo na tinitirahan ng aking mga mag-aaral upang matukoy ang maaaring sanhi ng napapadalas na pagliban nila sa klase , maging ang pagiging huli sa takdang oras ng pagpasok at di paggawa ng takdang aralin.

Hindi ko inisip na mahirap ang hakbang na aking gagawin. Nag-umpisa kami kasama ang mga kapwa ko guro sa pagtawid sa isang malaking ilog. Madaraanan pa ang mga masukal at mapunong daan. Di maikakailang ito’y napaka liblib na lugar at hindi ko maisip kung paanong nakakapasok ng maayos ang aming estudyante sa layo ng lugar na kanyang pinanggalingan. Nadatnan namin siya sa isang bahay kubo na nag-iigib ng tubig. Nilapitan naming siya at kinausap, doon namin napag alaman ang sanhi ng ilang lingo niyang di pagpasok. Nagkasakit ang kanyang ina at kahit pambili ng pagkain ay wala na sila. Nangangahoy lamang siya at gumagawa ng uling upang makapasok sa paaralan ngunit di niya magawa dahil hindi niya maiwan ang kaniyang ina.

Nakakalungkot ang bawat senaryong aming dinaratnan sa kalagitnaan ng aming pagbisita sa bawat tahanan. Batid naming minsan ay napagsasabihan namin ang mga mag-aaral na ito dahil sa akala naming kakulangan nila sa pa-aaral na inisip naming dahil lamang sa katamaran pumasok o sa pagpapabaya nito. Nagkamali kami, mas natutunan naming pahalagahan at unawain ang ginagawa nilang sakripisyo  sa pagpunta sa paaralan sa kabila ng ma suliranin nila sa buhay. Kinausap namin sila at sinabihang bibigyan naming ng pagkakataon upang maipasa ang kulang na mga gawain at makabawi sa klase.

Tunay na kahanga hanga ang mga mag-aaral na ito dahil sa kabila ng kahirapan ay hindi nawawala ang pagpupursigi sa kanilang sarili na mag-aral at matuto pa ng maraming kaalaman para sa magandang kinabukasan.

By: Ma. Rica A. Estrella