Suliranin sa Pag-aaral Gamit ang Modyul at Klase Online

Ang modyul at klase online ay ilan lamang sa ipinatupad ng DepEd para sa distansiyang pag-aaral. Ito ang makabagong paraan upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante. Ang klase online ay isang paraan para maturuan ang mga bata gamit ang teknolohiya at aplikasyong Zoom o Google meet, na nangangailangan ng internet para makasama sa talakayan…


Ang modyul at klase online ay ilan lamang sa ipinatupad ng DepEd para sa distansiyang pag-aaral. Ito ang makabagong paraan upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante. Ang klase online ay isang paraan para maturuan ang mga bata gamit ang teknolohiya at aplikasyong Zoom o Google meet, na nangangailangan ng internet para makasama sa talakayan ng guro at estudyante. Hindi na kinakailangan ng mga bata na lumabas upang pumunta sa eskwelahan at makisalamuha sa kaniyang guro o kapwa estudyante, sapagkat iniiwasan ang pagkalat ng nasabing pandemya. Ang modyul naman ay gawa sa nakalimbag o nakaprintang papel kung saan nakasulat ang mga aralin o leksiyon sa bawat asignatura. Pinag-aaralan ng bawat estudyante ang kanilang leksiyon sa module na hindi kasama o kaharap ang kanilang guro, natututo silang mag-aral ng mag-isa.

            Bagamat marami pa ring mga suliranin ang ating kinakaharap hindi lamang ang mga studyante kundi pati na rin ang mga guro sa pagkaklase online, at pagpili ng modyul bilang gamit sa pag-aaral. Narito ang ilan sa mga suliranin sa klase online. Una ang bawat isa ay kailangan ng internet, lalo na ang mga guro, sapagkat kung wala silang internet hindi nila matuturuan ang kanilang mga estudyante, ganun din ang estudyante na kung minsan ay nagloload lamang upang makasali sa klase online, may mga pagkakataon din na humihina ang kanilang signal na nagiging dahilan upang di sila makasunod sa kanilang leksiyon. Pangalawa, sa kadahilanang wala ang guro sa tabi ng estudyante tuwing siya ay nagleleksiyon ng kanilang aralin, hindi niya magawang umikot upang tignan ang ginagawa ng kaniyang estudyante habang nagtuturo, sa klase online may pagkakataon na hindi nakikinig ang mga estudyante at may ibang pinagkakaabalahan gamit ang kanilang kamay na hindi nakikita sa camera na tanging ulo at muka lang ang nakikita, may mga pagkakataon din na maaari silang makapandaya tuwing kayo may aktibidad. Pangatlo ang kanilang pangkalusugang pangkaisipan at pisikal, iniiwasan natin na magtagal ang mga estudyante sa harap ng kanilang teknolohiya gaya ng laptop, cellphone o tablet na ginagamit nila sa kanilang klase online, na maaaring maapektuhan ang kanilang kalusugan kapag sila ay nababad rito, minsan hindi nalalaman ng mga magulang na dinadahilan nila na may klase sila online kahit sila ay tapos na para sila ay makapagbabad at payagan na gumamit nito Dagdagan pa rito, ang pag-iisip ng mga bata sa mga gawain na kailangan sagutan at gawin sa nakatakdang araw para ito ay isumite, may mga estudyante na hindi kaya ang obligasyon sa klase online lalo na sa mga estudyanteng hindi sanay sa ganitong sistema, na nagdudulot sa kanilang ng “ pressure” na nagiging sanhi ng depresyon.

            Gayun din, may mga suliranin din na kinahaharap sa paggamit ng modyul. Narito ang pagsasagot ng kanilang modyul na kahit hindi nila naiintindihan at binabasa ang mga leksiyon na nakasaad dito, para lamang sila ay mayroong maipasa sa kanilang guro. Dagdag pa, sa halip na ang mga estudyante ang magsagot sa kanilang modyul, hinahayaan nila o pinapasagutan na lamang nila ito sa kanilang mga magulang na kinukunsinti naman ng kanilang nanay at tatay, ate o kuya para lamang matapos ang kanilang gawain na hindi dapat nangyayari. May pagkakataon din na itinuturo na lamang ng mga magulang ang sagot sa kanilan mga anak paramas mapadali ang kanilang gawain pero hindi nila pinapaliwanag kung bakit iyon ang naging sagot sa bawat tanong sa pagsusuli o aktibidad. Sa kabilang banda, hindi naiiwasan ang pagkopya ng mga estudyante sa sagot ng kanilang kapwa estudyante na nagiging dahilan para sila ay hindi matuto sapagkat hindi nila inaaral o kailangan pang basahin ang kanilang modyul. Marami ang nagsasabi na hindi sila natututo gamit ang modyul sapagkat nahihirapan silang aralin kung ano mang mga leksiyon na nakasaad rito, hindi nila ito mauunawaan kung walang magulang na tutulong sa kanila. Malaking problema rin para sa mga estudyante kung ang kanilang mga magulang ay hindi rin alam o maintindihan ang kanilang leksiyon.

            Isang malaking pagsubok ang makabagong paraan ng pag-aaral ngayong may pandemya. Sapagkat iba pa rin ang atmospera sa eskwelahan kung saan may personal na interaksiyon sa pagitan ng mga guro at estudyante. Kailangan lamang ng kooperasyon ng bawat isa para sa matagumpay na pag-aaral habang may pandemya.

References:   Online Class, ang bagong normal na pag-aaral ng mga kabataan – Ako Ay Pilipino , Disadvantages Of Modular Learning | Helpline PH at Pananaliksik.docx – Kalamangan at Kahinaan ng Online Class sa mga Mag-aaral ng Colegio de Dagupan(CdD Manaois Mark Daniel de Guzman Mari\u00f1as Angelica | Course Hero

By: Margie S. Junio | Teacher I | Jesus Is Lord Christian School