Yes! Summer na.The most awaited time. Pahinga na sa trabaho, wala ng stress sa mga estudyanteng pasaway . Pwede ng magpatanghali ng gisisng. Sobrang init masarap mag swimming lalo na kung overnight. Okay lang din naman ang staycation para maharap naman ang mga dapat ayusin sa bahay na hindi natin nagagawa kapag may pasok. December pa lang pinaplano nang dabarkads ang pupuntahan naming beach, kainan at malls.
But wait! Bago ka mag pa book sa mga pupuntahan mo, hold it. May ibinagsak ka ba sa mga estudyante mo? Sad to say yes. Kahit masakit sa akin ang magbagsak, eh kung di naman sila pumasok dahil hindi sila magising ng maaga at di mapasukan ang first period naming. Ginawa ko naman ang lahat. Pinatawag ang magulang, home visitation, at remedial classes pero di pa rin pumasok kaya siempre bumagsak.
Ito ang masaklap n parte. Pag bumagsak ang mga pasaway na estudyante isa-summer mo sila. Kaya ang mga planong bakasyon at mga outing eh hold muna. Saklap no? Haisst! Kung hindi mo paiiralin ang pusong ina mo e hahayaan mo na lang ang mga pasaway n yan. Kaya lang nakakahinayang naman ang panahon kung d sila makaka enroll sa next year level nila. Mag tiyaga na lang anyway masaya naman sa pakiramdam kung makapasa ang mga batang ito sa Summer class nila at makakapag enroll n sila sa next year level nila. O di ba wagi.
Kaya lang sana naman next school year eh maisip na ng mga estudyante na mas masarap pa ring eenjoy ang summer vacation sa pamamasyal kaysa mag summer class pa. Pagbutihin na sana nila ang pag aaral nila para ang Summer Saya ay di na maging Summer dusa.
By: Olivia G. Nisay | T-III | Bataan National Highschool