Super si Ma’am

Singkwentang estudyante bawat isang klase, pitong klase sa isang araw, iba’t – ibang drama sa bawat silid- aralan, boses ang puhunan, init ang kalaban, ano ka ma’am? Super ka ba? Madalas na sinasabing ang mga super hero daw ay palagiang may kapa sa likod. Nandyan si Superman, Batman, Darna, Wonder Woman at kung sino-sino pa,…


Singkwentang estudyante bawat isang klase, pitong klase sa isang araw, iba’t – ibang drama sa bawat silid- aralan, boses ang puhunan, init ang kalaban, ano ka ma’am? Super ka ba?

Madalas na sinasabing ang mga super hero daw ay palagiang may kapa sa likod. Nandyan si Superman, Batman, Darna, Wonder Woman at kung sino-sino pa, ngunit marami ang hindi nakaalaman, hindi lahat ng superhero ay may suot na kapa, iyong iba, may hawak na chalk, nakikipaglaban sa init, ingay at hirap ng araw-araw na pagpasok sa eskwela at makapagbahagi ng kahit sang-kapat lamang ng talino.

Iyon si Ma’am. Super siya.

May kilala ka bang taong kayang umarte buong maghapon? Iyong kayang magpatawa, magpaiuak, magalit, ma-stress ngunit pagkatapos ng araw na iyon bago lumabas ng eskwelahan ay nakangiti nang muli?

Iyon si Ma’am. Super siya.

May kilala ka bang tao na halos dalawang – daan ang anak pagkatapos ay kilala niya ito sa pangalan, apelyido at mukha? Na kapag may nawalang isa, alam agad niya, nag-aalala kahit hindi naman niya kaanu-ano, kahit walang ginawa kundi ang galitin at inisin siya, ay pinagpapahalagahan pa rin at minamahal?

Iyon si Ma’am. Super siya.

May kilala ka bang taong nababagabag, na kung maaari niya lang pakainin ang lahat ng bata sa loob ng silid -aralan at mabigyan ito ng baon upang makasiguradong makakapasok sa kinabukasan gagawin niya, kahit maubos na siya?

By: Ms. Ghecela Maria Chris C. Garcia | Teacher – I | Bataan National High School | Balanga, Bataan