Sa bawat silid-aralan, mayroong mga gurong nagsisilbing gabay sa pagtuklas ng ating kasaysayan, kultura, at lipunan. Sila ang mga guro sa Araling Panlipunan, ang mga taong nagbibigay-buhay sa mga aralin tungkol sa ating nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.
Ang mga guro sa Araling Panlipunan ay hindi lamang nagtuturo ng mga petsa, pangalan at mga pangyayari bagkus sila rin ay tagapagdaloy ng kaalaman ng mga pangyayari sa lipunan upang makatulong na makapag-isip ng kritikal, mag-analisa ng mga isyu sa lipunan at higit sa lahat ay magkaroon ng malalim na pagkaunawa sa kanilang kapaligiran.
Higit pa sa pagtuturo ang nais gawin ng mga guro sa Araling Panlipunan dahil sila rin ay nagsisilbing mga tagapayo at inspirasyon sa kanilang mga mag-aaral. Sila ay nagbibigay gabay sa pagbuo ng mga kasanayan sa pakikipag-ugnayan, paglutas ng problema, at paggawa ng desisyon. Sa panahon ng pagbabago at pag-unlad, ang papel ng mga guro ay mahalaga sapagkat sila ang nagiging daan upang maging responsible at aktibo ang mga mag-aaral sa paglahok sa mga talakayan.
Ang kontribusyon ng mga guro sa Araling Panlipunan ay hindi matatawaran pagdating sa paghubog ng kaisipan ng mga mag-aaral.
TAGAPAGDALOY NG KAALAMAN, GURO SA ARALING PANLIPUNAN
Sa bawat silid-aralan, mayroong mga gurong nagsisilbing gabay sa pagtuklas ng ating kasaysayan, kultura, at lipunan. Sila ang mga guro sa Araling Panlipunan, ang mga taong nagbibigay-buhay sa mga aralin tungkol sa ating nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.Ang mga guro sa Araling Panlipunan ay hindi lamang nagtuturo ng mga petsa, pangalan at mga pangyayari bagkus sila…