Tagumpay na Dulot ng Paghihirap

Sa silong ng araw at lamig ng gabi,Pangarap ang tanglaw, liwanag sa wari.Sa bawat yapak, may bigat na pasan,Mga pangarap na nais makamtan.Baryang iniipon mula sa pawis,Baong tiis, sa gutom ay ipit.Kahit pagod ang katawan at diwa,Bawat patak ng hirap ay may gantimpala.Liban sa saya, aralin ang kasama,Gabi’y nagiging araw sa mesa’t lampara.Bawat letra’t bilang…


Sa silong ng araw at lamig ng gabi,
Pangarap ang tanglaw, liwanag sa wari.
Sa bawat yapak, may bigat na pasan,
Mga pangarap na nais makamtan.
Baryang iniipon mula sa pawis,
Baong tiis, sa gutom ay ipit.
Kahit pagod ang katawan at diwa,
Bawat patak ng hirap ay may gantimpala.
Liban sa saya, aralin ang kasama,
Gabi’y nagiging araw sa mesa’t lampara.
Bawat letra’t bilang ay iniukit,
Sa utak at puso, tagumpay ang nais.
Sa likod ng tagumpay, luha’y umaagos,
Pighati’t saya, magkasabay sa unos.
Ngunit ang apoy ng hangarin, hindi magmamaliw,
Sapagkat pangarap ang siyang patnubay.
Kay hirap man ng landas na tinatahak,
Tagumpay ay abot, handog na galak.
Sakripisyo’y alay sa sarili at bayan,
Pangarap ng mag-aaral, isang gabay na talaan.