TAKE A BREAK

TAKE A BREAK When your stress meter reaches an alarming level, quitting is always a tempting way out. But it’s not the wisest thing to do. Learning how to handle stress is a useful skill to develop. Ilan lamang ito sa mga paala-ala kung paano natin mapapangasiwaan ng maayos ang ating stress sa trabaho at…


TAKE A BREAK


When your stress meter reaches an alarming level, quitting is always a tempting way out. But it’s not the wisest thing to do. Learning how to handle stress is a useful skill to develop.

Ilan lamang ito sa mga paala-ala kung paano natin mapapangasiwaan ng maayos ang ating stress sa trabaho at sa buhay.

 

KILALANIN ANG IYONG NARARAMDAMAN

 

Nilikha tayo ng Dios na kapag sobrang loaded na tayo physically, emotionally at kahit na psychologically ay nagbibigay ng babala at sintomas ang ating katawan.

Pakinggan mo kung ano ang sinasabi ng katawan mo: sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pagkalagas ng buhok – ilan lamang ito sa mga sintomas ng stress.

Huwag magbingi-bingihan sa iyong sariling nararamdaman at sa sinasabi ng iyong katawan. Kapag nakakaramdam ka ng stress, tanggapin mo at aminin mo sa sarili mo na-stress ka para mapangasiwaan mo ito ng maayos.

 

MAGPAHINGA! BAGO PA BUMIGAY

 

Magpahinga! bago pa mahuli ang lahat. Pahinga ang pinaka-importante at mabisang paraan para malabanan ang stress. Huwag mong isipin na ang pagpapahinga ay pagsasayang ng oras. Merong pag-aaral, na ang sandaling pahinga ng isang empleyado sa isang araw ay malaking tulong para mas maging mahusay at produktibo sa trabaho.

IBAHAGI ANG NARARAMDAMAN

 

Kung nararamdaman mo na ang stress sa trabaho, sabihin mo sa iba ang tungkol dito. Mas magiging sensitibo tayo sa pinagdadaanan nating stress. Mas mapapangasiwaan natin ng maayos ang ating sarili kapag naiintindihan tayo ng ating mga kaibigan at katrabaho.

 

MAGBAWAS NG STRESS SA PAMAMAGITAN NG PAGGAWA NG KAUNTI

 

Kadalasan, nagmumula ang stress sa dami at sunud-sunod nating gagawin. Nararamdaman natin ang pressure dahil limitado lang ang ating oras at lakas. Tanggapin mo ang katotohanan na lahat tayo ay merong limitasyon. Pag-aralan mong tumanggi at magbawas muna ng trabaho.

MANALANGIN

 

Kapag ang bigatin mo ay sobra-sobra na para sa’yo, maganda yang paalala na ang bigatin na yan ay hindi mo dapat dalhing mag-isa. Ang Dios ay sinlayo lamang ng panalangin, kaya Nya pangasiwaan, hindi lang ang ‘yong bigatin kundi ang ‘yong buhay sa araw-araw.

By: Jhonalyn C. Yabut | ADMIN AID – IV | BNHS