“Tamang Pangangasiwa ng Basura… Tulong sa Kalikasan”

  Hindi lingid sa ating kaalaman ang tumitinding epekto ng Climate Change at Global Warming hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Dahil dito, ipinatupad ng ating pamahalaan ang Republic Act (R.A.) 9003 na tututok sa wastong pagtatapon, segregation o pagbubukod – bukod ng basura sa buong Lungsod, mapa – publiko o pribaadong…


 

Hindi lingid sa ating kaalaman ang tumitinding epekto ng Climate Change at Global Warming hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Dahil dito, ipinatupad ng ating pamahalaan ang Republic Act (R.A.) 9003 na tututok sa wastong pagtatapon, segregation o pagbubukod – bukod ng basura sa buong Lungsod, mapa – publiko o pribaadong sector. Layunin nito na mapanatili ang kalinisan at mapangalagaan ang ating kapaligiran. Makakatulong din ito upang maagapan ang lumalalang Global Warming at Climate Change na nagdudulot ng iba’t – ibang karamdaman.

            Kaya bilang isang tagapangalaga ng kalinisan sa kapaligiran ng ating paaralan, sinisikap kong maging isang modelo sa paghahakot at paghihiwalay ng mga nabubulok at di – nabubulok na basura. Ipinapakita ko sa mga mag – aaral, mga guro, at kapwa ko dyanitor na tinatapon ko ang mga basura sa tamang lugar. Ibinabaon ko ang mga nabubulok na basura para ang lugar na iyon ay maging source ng pataba sa mga halamanan. Ang mga basura naming di nabubulok ay inilalagay ko sa malaking garbage bag upang mahakot ang mga basura nang maayos at ligtas sa masamang amoy, mga langaw at lamok na nagdudulot ng mga karamdaman na maaring maging sanhi ng kamatayan. Iniiwasan ko rin ang pagsusunog ng mga basura para maiwasan  ang paglaki ng butas ng Ozone Layer at Climate Change.

            Kaya hinihikayat ko ang bawat isa, mga guro at mga estudyante na maging disiplinado at isagawa ang tamang pangangasiwa sa basura. Sa maliit na paraang ito, Malaki ang maitutulong natin sa kapaligiran at kalikasan. Gawin natin ito para sa kinabukasan nating lahat higit sa lahat sa ating mga kabataan. Kung saan, mararanasan at makakamtan nating lahat ang isang malinis na maayos na kapaligiran.

            Hindi pa huli ang lahat! Simulan at ipagpatuloy natin ang magandang layuning ito ng ating pamahalaan. Laging tandaan… ang solusyon sa problemang ito ay nakadepende sa atin!!! Ipagwawalang bahala ba natin ito?

 

By: Mario S. Salvador| Utility | BNHS | Balanga City, Bataan