“Tanglaw”

“Walang nagsisindi ng ilaw upang itago lamang o kaya’y ilagay sa ilalim ng takalan” (Mt. 5:15) Ang ilaw daw ay inilalagay sa isang itinalagang lalagyan upang sa pagpasok ng mga tao ay makita nila ang tunay na liwanag. Sinasabing ang ating mga mata ang nagsisilbing liwanag ng ating katawan. Paano kung bulag ito sa pagtingin…


“Walang nagsisindi ng ilaw upang itago lamang o

kaya’y ilagay sa ilalim ng takalan” (Mt. 5:15)

Ang ilaw daw ay inilalagay sa isang itinalagang lalagyan upang sa pagpasok ng mga tao ay makita nila ang tunay na liwanag.

Sinasabing ang ating mga mata ang nagsisilbing liwanag ng ating katawan. Paano kung bulag ito sa pagtingin sa totoong ganda?

Bilang mga guro sa paaralan, tayo kadalasan ang nagsisilbing ilaw sa ating mga mag-aaral kung kaya’t ang “tunay na liwanag” ang ibinabahagi natin sa kanila. Mula sa kagandahan ng pag-uugali, pagkilos at pananalita. Ang mga ito ang humuhubog sa kalalabasan ng ating mga mag-aaral kaya’t kadalasan kung ano tayo ito ang sumasalamin sa kanila kaya’y bilog mata, na ginagamit upang masuri nila ang kanilang mga sarili. Nangangailangan palinawin natin ito upang tamang landas ang kanilang patunguhan. Napakalaking pananagutan daw kung maling liwanag ang ibabahagi natin sa kanila. Subali’t kadalasan may mga pangyayaring nagdidilim din ang ilaw na ito, sa pagdating ng mga pagsubok sa buhay, dahil sa kabiguan, maling paniniwala, gayundin dahil sa likas na pagiging makasarili ng isang tao. Ang kaunawaan din sa katanyagan ay isang kadahilanan na makuha lamang ang pangarap kahit libo  ang katumbas ng paghihirap ng iba.

Maging sa tahanan palasak ng sinasabi na ang ina ay katulad o “ilaw ng tahanan”, paano kung ang liwanag mo ay naibahagi mo na sa iba. Sa pag-uwi mo sa sarili mong bahay may sapat pa bang liwanag para sa iyong mga mahal sa buhay?

Kung ating susuriin ang papel ng isang ina ay nahahati kung ikaw ay isang guro. Madalas na ang ating paglilingkod at pagmamahal ay naibabahagi natin sa iba dahil ito ang gawaing sinumpaan natin sa tao at higit sa lahat sa Diyos. Ang mga panahong nakalaan sana para sa ating mga anak ay nahahati sa mga mag-aaral na may suliranin sa buhay. Naririyang alamin mo ang kanilang mga dalahin at lapatan ito ng solusyon. Nagsisilbi kang nanay sa kanila dahil alam mong kulang sila ng pagmamahal. Damayan sila sa sarili nilang kalungkutan, aluin at bigyan ito ng bagong pag-asa sa buhay. Minsan tuloy ay naibubulong natin sa ating mga sarili “Paano na ang aking anak”, ngunit marunong magbalanse ang Diyos dahil hindi Niya tayo binibigyan  ng isang bagay na hindi tayo sapat.

Sa iba pang pagkakataon, tayo rin ang nagging tanglaw sa ating kapwa guro, sa ating mga talinong  taglay marami rin ang umaasa sa atin na nagagamit nilang panuntunan sa buhay at nagiging “mabuting halimbawa” sa kanila.

Ngunit katulad ng ilawang nauubusan ng “langis” upang patuloy itong magningas tayo ay pinanlalabuan ng liwanag dala ng karamdamana at iba pang suliranin sa buhay.

Ngunit palagi nating itinitingala sa langit na “pagningasin mo pa ang ilaw na ito” dahil maraming nangangailangan ng liwanag nito. Muli natin itong pinalalakas sabi nga “change” muna natin mula sa mga kabutihang ginagawa ng ibang tao para sa atin. Tulad ng pagbabalik n gating mga tinuruang mag-aaral ng may baong tagumpay at sasabihin sa iyong “Mam, ito na ko ngayon … isa ng doctor, abogado, inhinyero, accountant”, at napakarami pang naging matagumpay dahil sa iyo. Ang pagmamahal ng iyong pamilya, ito ang nagsisilbing malakas na enerhiya upang muli kang lumiwanag. Sa buhay na pinapangarap mo para sa kanila na nagsisimula ng matupad  sapat na iyon upang matulad ka sa “Christmas light” na iba’t-ibang kulay at ganda ang naibabahagi mo sa kanila.

Kung nasa liwanga ang buo mong katawan at walang bahaging nasa dilim, ito’y lubos na maliliwanagan, na para bang tinatanglawan ka ng isang maliwanag na ilaw.

Mapalad tayo kung tayo ay nagsisilbing tanglaw at gabay ng marami upang hindi sila maligaw ng landas.

           

By: Elsa Rivera Cruz Master Teacher II – Bataan National High School | Balanga, Bataan|