Tao…Totoo ka ba o Hindi?

“Having a true friend is a treasure”. Dahil marami ang nagsasabing di lahat ng kaibigan ay tunay may iba ay mapagkunwari kumbaga pag nakaharap ka maganda lahat ang mamumutawi sa bibig niya ngunit pag wala o nakatalikod ka na ay nariyang hilahin ka pababa at i “broadcast” ang lahat ng negatibo sa iyo bilang tao…


“Having a true friend is a treasure”. Dahil marami ang nagsasabing di lahat ng kaibigan ay tunay may iba ay mapagkunwari kumbaga pag nakaharap ka maganda lahat ang mamumutawi sa bibig niya ngunit pag wala o nakatalikod ka na ay nariyang hilahin ka pababa at i “broadcast” ang lahat ng negatibo sa iyo bilang tao yung bang siya ang “perfect”.

Ngunit sa bawat tahak na landas ay maraming uri ng tao ang sa iyo ay naghihintay o iyong masasalamuha at sa bawat panlilinlang na iyon ay mayroon tayong natutunan na nagiging daan sa ating pagkatuto.

Sa mga mag aaral nangyayari rin ito dahil may mga mukhang anghel ngunit di mo aakalain na siya pala ay makagagawa ng di inaasahang pangyayari. Kung kaya’t mahirap nang sa panlabas ng kaanyuan lang tayo bumatay dapat parin kilalanin ang tunay na pagkatao.

Sa trabaho dir in maiwasan na may taong di makakasundo ngunit sa kabila nito dapat pa rin maging sibil sa pakikitungo upang maging maganda pa rin ang kalalabasan ng trabaho.

Ngunit ang madalas sumasagi sa ating isipan, bakit nga ba may mga taong mapagkunwari, bakit natatakot magpakatotoo? Ang makilala ka sa kung sino ka at kung may kailangang baguhin ngunit di pangmadalian.

Dahil hindi naman sa isang iglap ay mababago na ang pagkatao lalo na kung ito ay nakasanayan na. May mga bagay pa rin na dapat na isaalang alang lalo na ang mararamdaman ng tao.

Subalit ikaw na tao na bumabasa nito, napagmuni muni mo n ba kung ikaw ay naging tunay o hindi sa iyong nakasalamuha sa araw-araw. Di masama ang magkunwari kung minsan ngunit huwag lang madalas dahilang maging totoo ay ang makapagpapagaan ng iyong PAKIRAMDAM at hindi yaong MAPAGPANGGAP.

By: JANICE M. CASTILLO | Teacher I | Mariveles National High School | Cabcaben, Mariveles, Bataan