Ito’y pagkatok sa bawat puso
Isulong ang bolunterismo!
Sabay-sabay tayong lumahok
Edukasyon ay ating itampok
Sa gitna ng pandemya
Pag-angat ay kayang-kaya
Bayanihan ang susi
Ibahagi ang sarili
Lakas at kakayahan
Ihanda ang paaralan
Tungo sa ligtas na pag-aaral
Ilaw sa pagtaas ng moral
Kabataang Pilipino
Tagumpay ay sa iyo
Bayan ay tumugon… halina!
Tara na, brigada na!
By: Adelyn F. Ocampo|Teacher I|Sergia Soriano Esteban Integrated School II|Olongapo City