Tayo Para sa Edukasyon

Hanggang saan ang kaya mong itayo (ibigay) para sa edukasyon? Tatayo ka ba para sa iyong inaasam na karunungan?           Maraming kabataan ngayon ang hindi alintana ang hirap at panganib makapasok lang sa paaralan. Nariyan ang pagbaba at pag-akyat ng mga bundok upang makarating sa inaasam na lugar ng karunungan. Mayroon ding mga mag-aaral na…


Hanggang saan ang kaya mong itayo (ibigay) para sa edukasyon? Tatayo ka ba para sa iyong inaasam na karunungan?

          Maraming kabataan ngayon ang hindi alintana ang hirap at panganib makapasok lang sa paaralan. Nariyan ang pagbaba at pag-akyat ng mga bundok upang makarating sa inaasam na lugar ng karunungan. Mayroon ding mga mag-aaral na tumatawid sa mga ilog at dagat para lang makapasok. May mga magulang na hatid-sundo ang kani-kanilang mga anak upang matiyak ang kaligtasan. Nariyan din ang mga mag-aaral na pumapasok ng walang laman ang kanilang sikmura para sa kaning pag-aaral. Maraming hirap at sakripsyo ang iniaalay para lang sa edukasyon na susi para sila’y makaahon sa kahirapan. Nagnanais na sila’y guminhawa sa kanilang pamumuhay. Walang sawang pagpasok at pag-aaral para sa kanilang kinabukasan. Walang sawang nakikinig sa kanilang mga guro upang matuto sa buhay para magamit sa pang-araw-araw na buhay. Walang sawang nagsasakripisyo para sa edukasyon.

          Sinasabing ang edukasyon ay yaman na hinding-hindi mananakaw ninuman. Saan ka man makarating, ano man ang lahing iyong pinagmulan, mayaman ka man o mahirap, ano man ang iyong paniniwala sa buhay, kung ikaw ay may titulong pinanghahawakan at  isang taong may pinag-aralan, taas noo at buong tapang mong ipagsisigawan  sa lahat na itatayo mo ang iyong pangarap dahil pinahalagahn mo ang edukasyon.  Ito ang iyong magiging puhunan sa pagtahak sa masalimuot na mundong  ginagalawan.  Taas-noo mong mahaharap ang lahat ng pagsubok na patuloy na darating sa buhay at malalapsan mo ang lahat ng balakid kung matatag na edukasyon ang iyong pinanghahawakan.

          Tayo, para sa edukasyon. Kailan mu uumpisahan ang pagtayo para sa inaasam na karunungan? Hanggang kailan mu kayang magsakripisyo para sa kaalaman? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa inaasam na pangarap sa buhay? Hanggang kailan mo kayang iaalay ang iyong sarili para sa edukasyon? Mga katanungan ikaw lang ang makasasagot. Tayo na, para sa edukasyon.

By: Mrs. Florinda L. Bantog | Teacher III | Limay Elementary School | Limay, Bataan