Teacher ka, Hindi Teacher lang!
‘Di mo alintana ang pagod, puyat at baryang sweldo
Upang maibigay ang iyong buong serbisyo
Para sa kabataang minsa’y matigas pa sa bato ang ulo
Teacher ka, Hindi Teacher lang!
Marami mang personal na problema ang iyong nasa harapan
Uunahin pa ring isipin ang trabaho sa paaralan
Iyong ‘laging sambit, para sa bata, para sa bayan!
Teacher ka, Hindi Teacher lang!
Kahit ilang henerasyon pa ang pagdaanan
Iyong pangalan nila’y di malilimutan
Nakaukit sa puso’t isipan, di lang sa silid-aralan
Teacher ka, Hindi Teacher lang!
Araw-araw mong bitbit ang plano sa kinabukasan
Kinabukasan na ‘di lang nakasulat sa lesson plan
Kinabukasan mula sa hinubog mong kabataan at kasaysayan
Teacher ka, Hindi Teacher lang!
Walang doctor, inhinyero, pulis, o abogado
Kung hindi dahil sa husay at matiyaga mong pagtuturo
Kaya heto ang katagang nararapat sa’yo, RESPETO, SALUDO!
By: Jade Angelique G. Casupanan | Teacher II | BNHS