T– Teacher’s Day ipinagdiriwang ngayon
Ipinagpipitagan ng buong nayon
Mga taong ang gabay ay edukasyon
Ipinamamahagi sa buong henersyon
E– Endless ang pagtuturo buong maghapon
Magamag sinusulat ang kanyang leksiyon
Asawa’y kinabig di tumutugon
Hangga’t di natatapos ang leksiyon
A-Alagad tayo ng ating paaralan
Nagbibigay ilaw sa mga kabataan,
Mga kabataang haligi ng bayan
Pagnatuto sila ating karangalan
C – Christmas Day gabay na ipinagdiriwang
Na ang kahulugan ay pagbibigayan,
Pagkat araw ito ni Kristong isinilang
Bayan ng Bethlehem hamak na sabsaban.
H– Hataw mga guro ating kalimutan
Ingay ng mga bata at ang lesson plan
Ilagay sa isip itong kasayahan
Hataw mga guro ating pagsaluhan.
E– Emotiong nagkamali sa isat-isa
Atin ng iwaksi pagkat Pasko na
Dating pagsasama ay ibalik na
Pagkat ang pasko ay sama-sama
R– Regalong ginto sa mga kasamahan
Ang mabuting ugaling nagsasamahan,
Mga kasamang hindi nagkikibuan
Atin ng himukin na magkabatian
S– Salamat, salamat mga kaguro ko
At tinanggap ninyo ito ngang regalo
Atin ng tunguhin mga pagbabago
Pagdating ng bonus masasaya tayo.
D– Dudulutan natin ang Poong Maykapal
Ng mga dalangin siya’y pasalamatan
Ito’y isang tanda ng pagbibigay galang
Poong Maykapal atin ng papurihan.
A- Araw natin ngayon mga kaguro ko
Iisantabi natin ang mga trabaho,
Atin ng indakan sayaw na modern
Ang inumin sa bote ilagay na sa baso.
Y–Yamang din tapos na ang aking tula
Ayusin ang gitna at tayo’y magsimula
Ating sayawan ay baka mawala
Pati ang inumin ay hindi matungga.
By: Girlie F. Sanchez | MT-1 | Alasasin Elem. School | Alasasin Mariveles Bataan