Parang kaarawan taon-taon ipinagdiriwang upang mga guro ay parangalan dahil ngayon ay Teacher’s Day Na Naman.
Tuwing unang lingo ng Oktubre, ipinagdiriwang natin ang araw ng mga maestro at maestra. Iginagalang ng lipunan, pinahahalagahan ng mga magulang at minamahal ng mga mag-aaral.
Paano mo ba ipinagdiriwang ito? Bilang guro na nahumubog ng mag-aaral, matiyagang nagpapabasa at nagpapasulat. Mag-alaga at gumabay sa inyong mag-aaral sa loob humigit-kumulang walong oras sa bawat araw, limang araw isang lingo at halos dalawang daan araw isang taung panuruan sa paaralan, paano mo ito ipagdiriwang sa isang napakapayak na paraan?
Ilang gawain na pwede nating gawin:
– Magkaroon ng bonding moment sa mga mag-aaral
– Magmerienda kasama sila
– Manood ng isang nakakatuwang palabas na pwede sa inyo at sa mga bata
– Magkaroon ng maikling pa contest sa mga bata
– Sumulat ng tula para sa kasamahang guro
– Teachers time to celebrate corner na kung saan pwede kayong batiin ng inyong mag-aaral
Dahil sa Taong ito ay Linggo ang Oktubre 5, mas marami tayong magagawa. Pwede tayongmamasyal, kumain sa mall o picnic kaya, educators trip siguro? Ang mahalaga ay kaya ng budget natin.
Sa mga gurong tulad ko, nasa atin ang paraan kung paano natin ito ipagdiriwang. Ang mahalaga naging makabuluhan ang araw na sa atin ay nilaan. Para ito sa inyo mga gurong minamahal.
G-aling at talino’y laging binabahagi
U-pang mga mag-aaral mahasang mabuti
R-ating nila’y hindi iniintindi
O-h! talaga naman sila’y kapuri-puri
By: Rosario T. Rodrigo| Master Teacher I | Limay Elementary School | Limay, Bataan