Black board at tsalk kaagapay ni maam sa loob ng silid-aralan para leksyon ay mapag-aralan, Black board at tsalk ang nagsisilbing sulatan ng mga aralin na sa araw na iyon ay napag-aralan.
Sa pagdaan ng panahon ibat-ibang kagamitan sa pagtuturo ay nagbabago nandyan na gumamit ng telebisyon para bata ay maging aktibo, nandyan na gumamit ng projector para talakayin ang leksyon na magbibigay ng dunong, nandyan na gumamit ng laptop para imahinasyon ng bata ay mas maging malawak.
Techi ito ang kadalasang problema ni maam lalo na kung ang edad ay may katandaan, sa paggawa ng lesson plan si maam hindi na nagsusulat pagtipa sa laptop ang nagiging sandigan niya, sa paggawa ng kagamitang panturo power point ay sadyang nagbibigay tulong sa mga effects nito na kananais-nais bata ay nagiging aktibo at wais, sa paggawa ng report si word and kasangga para kung may mali agad itong mabubura.
Ilan lamang ito sa mga kailangan na gawin ni maam para trabaho ay maggampanan.
Techi na nga si Ma’am dahil ngayon naka HDMI at TV na siya, ng ang leksyon ay mas makita at maunawaan niyo na.
Techi na nga si Ma’am dahil report ngayon kay google sheet pag click ito agad ay submit.
Techi na nga si Ma’am dahil ultimo meeting gamit ay google meet ng magulang ay kanyang ma kamusta at ma meet.
Techi na nga si Ma’am dahil lahat ng ito ay kanyang napag-aralan.
By: APRIL JANE A. BRIONES / TEACHER I /BAGONG SILANG ELEMENTARY SCHOOL | BALANGA CITY, BATAAN