TEKNOLOHIYA, MAKABAGO, GANAP NA PAGKATUTO

  Tayo ay nasa panahon na puno ng pagbabago. Pagbabago na hindi mapipigilan at patuloy sa pag-arangkada. Pagbabago na ang dulot ay mabuting paglago. Ang pinakasikat na pagbabago ngayon ay ang pagbabago sa teknolohiya. Makabagong teknolohiya na nakatutulong sa pag-unlad sa larangan ng palakasan, medisina, ekonomiya, midya, edukasyon at iba pa. Sa silid-aralan ay kadalasang…


 

Tayo ay nasa panahon na puno ng pagbabago. Pagbabago na hindi mapipigilan at patuloy sa pag-arangkada. Pagbabago na ang dulot ay mabuting paglago. Ang pinakasikat na pagbabago ngayon ay ang pagbabago sa teknolohiya. Makabagong teknolohiya na nakatutulong sa pag-unlad sa larangan ng palakasan, medisina, ekonomiya, midya, edukasyon at iba pa.

Sa silid-aralan ay kadalasang kakikitaan ng yeso, pisara  at mga upuan. Sa panahon ngayon, maraming mga makabagong kagamitan ang maaring gamitin ng mga guro sa pagtuturo. Nariyan ang telebisyon, DVD, projector, computer at internet. Higit na nakadaragdag sa pagkatututo ng mga magaaral ang mga makabagong teknolohiya. Maliban sa pakikinig ng mga estudyante sa mga guro, lalo nilang mas naaalala ang mga aralin na kanilang nakikita. Ang paggamit ng mga kagamitang biswal ay nananatili ng matagalan sa kanilang isipan kaysa sa pakikinig lamang.

Tunay na maganda ang dulot ng mga makabagong teknolohiya sa edukasyon. Ngunit huwag nating isantabi na ang susi pa rin sa ganap na pagkatuto ng mga magaaral ay ang dekalidad na pagtuturo ng mga guro at hindi lamang nakadepende sa bagong teknolohiya. Ating tandaan, walang mali sa pagbabago kung ito ay nakabubuti. Huwag lamang lubos na dumipende sa mga makabagong kagamitan at laging bantayan ang bawat sarili sa tama at wastong paggamit ng mga makabagong teknolohiya.

 

By: Sharon L. Dela Cruz / Teacher III / Bataan National High School, Balanga City, Bataan