“Time-out”

Paano ba mabuhay ng malaya? Walang alalahanin, walang iniisip para sa kinabukasan, basta sasabayan mo lang ang tugtog ng buhay. Masaya kung rock, na halos mabali ang leeg mo sa pagwasiwas nito, love song na puno ng pag-ibig sa puso mo, cha-cha kahit mali ang hakbang mo ayos lang dahil doon ka masaya. Kadalasan kasi…


Paano ba mabuhay ng malaya? Walang alalahanin, walang iniisip para sa kinabukasan, basta sasabayan mo lang ang tugtog ng buhay. Masaya kung rock, na halos mabali ang leeg mo sa pagwasiwas nito, love song na puno ng pag-ibig sa puso mo, cha-cha kahit mali ang hakbang mo ayos lang dahil doon ka masaya.

Kadalasan kasi tayo ay patuloy na nabubuhay sa pagpuna sa nangyayayari sa ating buhay o nagtatanong at naghahanap ng dahilan kung bakit mo nagawa ang ganyang bagay at bakit ka nabigong makamit nito. Bakit hindi kaya natin ibahin ang dati nating paniniwalang ito? Gawin ang mga bagay dahil natakot kang gawin ito pero nananatiling katanungan pa rin bakit hindi mo ito nagawa?

Bakit kaya di natin subukan?

Bakit?

Hindi ba masaya rin?

Halimbawa nagawa mo na bang sumayaw ng wala kang pakialam kahit parehong kaliwa nag paa mo, kumanta ng paborito mong “My Way” kahit ito ang dahilan ng maraming away sa sing a long. Lumangoy sa beach ng naka two piece kahit nanggagalit ang mga bilbil mo. Tumikim ng alak at magpakalago dito. Sumigaw ng napakalakas sa tuktok ng bundok dahil napagtagumpayan moa ng lahat.

Masaya di ba?

Nangiti ka ano, dahil tulad ko iyan ang mga bagay na hindi mo nagawa sa buhay mo at mamamatay ka siguro na hindi mo ito magagawa, dahil alam mong ito ang sisira sa napakagandang imahe mong binuo para sa sarili mo.

Ngunit kadalasan ang kagandahan ng imaheng binubuo natin sa ating pagkatao ay kailangan ding basagin, upang lumabas ang tunay na ikaw. Marahil kung gagawin mo ang mga bagay na ito may mababago ba sa akin? May masasaktan ba ako? Matatanggal ba ako sa aking trabaho? At napakarami pang pag-iisip na dapat mong gawin.

Unang sagot, kung ako ba ay sasayaw ng walang pakialam sa mga paa kong panahong kaliwa may magagalit ba? May makikialam ba? Subukin mo sa isang group dancing di ba.. lahat ay sumasayaw doon, tawanan walang pakialam kahit saan ang kembot mo, kahit parang kawayan ang katawan mo, pero ang self-satisfaction na matagal mo ng hinahanap nagawa mo, di ba masarap pa lang magsayaw?

Ikalawang sagot, ng kantahin ko ang “My Way” na paborito ng maraming lasenggo sa sing a long, walang nagalit ng kantahin ko may bumulong lang “ibang version” siguro. Naiba man ang tono mo naniwala ka naman sa sarili mo na kaya mo pa lang kumanta. Ayaw mo na ngang bitiwan ang mikropono at iyon ang isa pang problema.

Ikatlong sagot, may pumito bang pulis ng mag two piece ka sa beach? Wala di ba? Mas may pupuna pa nga sa iyo kung ikaw ay nakapants kasi bibigat ‘yun baka malunod ka pa. at napansin mo, lahat sila ay nakata mang kasuotang panlangoy, walang pakialam kung doble ang bilbil mo, maitim ang mga itinatago mo, ang mahalaga naenjoy moa ng buong summer ng wala kang maraming takot sa iyong sarili.

Tunay nga, mahirap manging malaya dahil ibinabaon natin ang ating mga sarili sa isang hulmahang idinidikta ng ating lipunan. Isang hulmahan na minsan ay nagiging daan upang hindi natin maipahayag ang ating mga sarili.

Hanggang saan ng aba tayo patatali sa tanikala ng pangamba, kailan mo ba babalikan ang mga pangyayaring ito sa buhay mo dahil sa buong buhay mo pinaniniwala mo ang iyong sarili na ito lamang ang tama at dapat mong gawin.

Mahirap gumawa ng panukat batay sa iyong palagay na ginagamit mo sa pagkilala ng tama o mali,. Kadalasan ang mga panukat na ito ay nagiging sabagal upang makamit natin ang tagumpay.

Kung noon pa pala ay sinubukan mo ng sumayaw, marahil noon pa siguro ay mas napaunlad mo pa talent mo dito dahil ito naman ay natutunan basta gusto mo ang ginagawa mo. Kung noon ka pa pala kumanta baka nadiskubre ng iba na mahusay ka dito at kung noon ka pa nagtwo piece sa beach di sana nabantayan mo ang pagdoble ng bilbil mo.

Ano masaya ba tayo sa saglit na paglaya? Di ba minsan pinagpapahinga din tayo sa palaging diretso kasi maaari tayong mabangga, lumiko ka muna raw kasi sa pagliko, maaari kang huminto at magpahinga…mag-isip.

Kay Lord naman bibigyan ka ng pagkakataong gawin ang gusto mo, basta ibulong at sabihin mo lang ito sa kanya.

By: Ireen T. Flores | Teacher ||| |BNHS |Balanga, Bataan