“Tinig”

Nang humarap sa Propeta si Samuel ng isang taong karapat-dapat na maging hari ng Israel, ipinarada ni Jesse ang pitong nakatatandang anak na lalaki sa harap ni Samuel. Ngunit wala sa kanila ang nais ng Panginoon na maghari. Sabi ni Samuel: “Ang tao’y tumitingin sa anyo, ngunit ang tingin ng Panginoon ay sa puso”. (tal.7)…


Nang humarap sa Propeta si Samuel ng isang taong karapat-dapat na maging hari ng Israel, ipinarada ni Jesse ang pitong nakatatandang anak na lalaki sa harap ni Samuel. Ngunit wala sa kanila ang nais ng Panginoon na maghari. Sabi ni Samuel: “Ang tao’y tumitingin sa anyo, ngunit ang tingin ng Panginoon ay sa puso”. (tal.7)

            Nasa labas ang pinakabunsong anak ni Jesse, nag-aalaga ng tupa, na hindi iniisip na kasama siya sa pilian. Ngunit ng makita siya ni Samuel. Nakita ng Panginoon kay David “ang lalaking angkop sa aking kalooban, gagawin niya ang lahat ng gusto kong ipagawa sa kanya”.( Gawa 13:22)

            Paano nga ba makinig sa isang “tawag”. Sa aking karanasan sa pagiging guro, year level chairman, teacher in charge, Filipino Club Adviser lahat ng iyan “tawag katungkulan”, ngunit sa bawat katungkulan may iba’t ibang boses akong naririnig. “Maam, paano kaya ito?” Kabahan ka na problemang dapat resolbahin ang tawag na iyan . “Maam, nakakatuwa kamo ang nagyari balita na gusto kong i-share sa inyo”, tawag ng mabuting balita na gusto mo ring sumaya dahil sa ligayang nakamit ng iba. “Maam, kumusta po,” gusto mong magpalipas ng oras ‘yan ang tawag na lingunin mo, mahabahabang kuwentuhan ika nga.

            Ngunit kadalasan may tunay na minsan akala natin tawag nga para sa iyo pero “wrong send pala”, kaysa sa pag-aakalang tama ito naniniwala tayo at pinatitigasan sa sarili nating tinatawag nga tayo ng tungkuling ito. Pero minsan mas mabuting tuyo ay tumatahimik sandal “pakinggan natin ang boses ng katotohanan.”

            Sa tuwina ay sinasabi ko sa aking mga mag-aaral kapag sila ay di na mapigilan sa pagsasalita ang ganitong mga salita, “sa katahimikan mas marami tayong natututunan”. Tumahimik kayo at sa bawat tinig na maririnig ninyo mas marami kayong mensaheng maiuugnay sa buhay ninyo.

            Ang boses ng bawat isa ay makapangyarihan upang magamit sa pagpapahayaag ng saloobin, paniniwala, prinsipyo, pagnanais na pagbabago, maaaring ito ay positibo o negatibo sa iba.

            Ang bawat pagsunod sa tawag ng Diyos ay nangangailangan ng dalawang napakahalagang bagay “pananalig at pagkilos”, na kadalasan tayo ay nalalagay sa isang alanganing kalagayan at kapaitan ng pagpapalaya sa naising ito.

            Madalas din tayong magpaubaya, subalit sa pagpapaubayang ito ay may malaking puwang sa puso natin na nananatiling walang laman at ang mga tanong ay naiwang tanong na walang saktong kasagutan.

            Paano ba natin masisiguro na ang pagtawag sa atin ay naaayon nga sa kanyang kautusan.

            Maraming mga pangyayari ang lubhang makakaapekto sa atin sa buhay na pagpapakahulugan sa tawag ng Diyos. May mga taong pumapasok ng seminary upang maging lingkod ng Diyos dahil sa paniniwalang ito ang ginawang “pagtawag” sa kanila, ngunt may panahon ding lumalabas sila dahil hindi raw talaga doon ang daan para sa kanila.

May mga taong nagtapos sa iba’t ibang kurso, ngunit kadalasan napapasok sa ibang trabaho, dahil din ba ito sa iyon ang “tawag” sa kanila.

Ang mahalag raw matuto tayong makinig sa katotohanan ng nais ng Diyos na mangyari sa atin. Napakarami niyang pagtawag na sinasabayan natin ng pagkilos, ngunit ang mga pagkilos palang ito ay nagkukulong sa atin sa totoong pagtanggap. Ang Panginoon ang lubos na nakakaalam sa totoong mensahe nais niyang iparating sa tamang pagkakataon ang dapat daw nating gawin ay maging bukas sa pagtanggap nito at ialay ng buong puso para sa lahat.

Kadalasan ang mga pagtawag ding ito ay pagpupuno ng pagsubok na siyang susukat sa ating pananalig. Ito rin kadalasan ang bumubuo ng matinding sama ng loob at poot na kadaalaasan ay nagiging pabigat sa ating mga puso.

At sa lahat ng pagtawag na ito, palagi raw nating tatandaan na kaylanman hindi tayo iniwan ng Panginoon, hindi rin niya tayo kinalimutan at lalong hindi niya tayo “iniwan’, nauunawaan niya an gating mga “pighati” ang dapat lang gawin, “palayain” ito.

Sa bawat, tawag na ginagawa ng Diyos sa atin damhin natin ang kadalisayan nito upang mapunta tayo sa tamang daan, maaaring ang daang pinaniniwalaan natin tamang daan ay hindi pala para sa atin, “mas may magandang pagtawag ang Diyos” sa lahat ng paghihirap mo, sa katahimikan makikita mo ang kanyang “kasagutan”.

By: Jhomar C. Dela Rosa | Teacher I | BNHS |Balanga, Bataan