TNF nag-uwi ng limang karangalan sa DSPC Atencio, umarangkada sa Regional Schools Press Conference

Pinatunayan ng The New Flame, angopisyal na pahayagan ng UNC-Bataan, na kaya nitong makipagsabayan sa ibang paaralan sa larangan ng pamamahayag matapos masungkit ang limang karangalan sa taunang Division Schools Press Conference (DSPC) naginanap sa Dinalupihan Elementary School, Bataan nooong August 23-25. Tatlong karangalang pang-indibidwal habang dalawa naming panggrupo ang nakuha ng UNC na kung…


Pinatunayan ng The New Flame, angopisyal na pahayagan ng UNC-Bataan, na kaya nitong makipagsabayan sa ibang paaralan sa larangan ng pamamahayag matapos masungkit ang limang karangalan sa taunang Division Schools Press Conference (DSPC) naginanap sa Dinalupihan Elementary School, Bataan nooong August 23-25.

Tatlong karangalang pang-indibidwal habang dalawa naming panggrupo ang nakuha ng UNC na kung saan nanalo sina Aries L. Atencio, 2nd place sa News Writing Filipino; Irish Jennali T. Bitangcol, 5th place sa Editorial Writing English; at Crystal Mae G. Manungas, 9th place sa Editorial Cartooning English.

Habang naiuwi naman ng mga kalahok sa Radio Broadcasting ang ikaapat na pwesto sa parehong kategorya ng English at Filipino. Binubuonina Rene Boie O. Caling, Ferr Marie D. Martinez, Maria Samira S. Miguel, Algem O. Taghap, Jewel Aren C. Santos, Eduard John Mallo, at Wilfred M. Diwa ang grupo ng Radio Broadcasting Filipino. Samantala, ang Radio Broadcasting English naman ay ang grupo ninaKathleene P. Evaristo, Jimwel Arnie Dela Cruz, Psalm Robert T. Rivera, ChrismarE. Manalili, Gloddie Mae S. Du, Lynser P. Chavez at Jericho S. Daligdig

Labis na ikinatuwa ng mga UNCeans ang kanilang nakamit na tagumpay. “Nakaka-shock kasi akala ko talaga talo na ako since sabi ko sa sarili ko kahit ma-retain ko lang yung 7th place kaya nung natawag na yung 4th nawalan na ako ng pag-asa. Pero nung sinabi nang 2nd place ako di na ako nakagalaw dahi nagkagulo na lahat ng UNCeans. I’m very happy to represent the school and looking forward for the RSPC,” ani Aries Atencio sa isang panayam.

Sa pambungad na palatuntunan, binigyang diin niGng. EdithaCaparas, Regional Education Program Supervisor in Campus Journalism, sa kanyang mensahe ang mga tungkulin ng isang mamamahayag. “You must Learn, Teach and Inspire,” dagdag pa nito.

Nilahukan ng iba’t-ibang paaralan sa Bataan, pampubliko man o pribado, ang Press Con ngayong taon na binubuo ng 30 pampubliko at 16 pampribadong paaralan mula sa 11 bayan ng lalawigan.

Samantala, pinuri ng punong guro ang lahat ng mga kalahok para sa kanilang mga pagpapagal at umasang lalo pang pagbubutihin ni Atencio ang kanyang pagsulat para sa nalalapit na Regional Schools Press Conference (RSPC).

Ginanap ang RSPC ngayong taon sa Dibisyon ng Bataan at Balanga noong Nobyembre 18 kung saan lumaban si Atencio sa 59 pang journalists mula sa 20 dibisyon sa rehiyon. Ang iba’t-ibang dibisyon nasakop ng Gitnang Luzon ay Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Angeles City, Balanga City, Cabanatuan City, Olongapo City, San Jose Del Monte City, City of San Fernando, Gapan City, Tarlac City, Science City of Muñoz, City of Malolos, San Jose City, Meycauayan City, and Mabalacat City.

By: Mrs. Joan V. Bailador | Filipino Major | Balanga City, Bataan