TOGA O TRAHE dE BODA

Bilang isang guro, aking pangarap para sa aking mag-aaral ay Sila’y makapagtapos, Toga’t diploma maging kanilang taglay Subalit sa hamon ng buhay Tila ba ito’y sinusubok ng tunay Murang isipan minsa’y nagiging mapusok lang Tuksong pag-ibig minsa’y nagiging hadlang Sa pag-aaral ng ilang kabataan Pati na rin sa kanilang kinabukasan Toga o trahe de boda?…


Bilang isang guro, aking pangarap para sa aking mag-aaral ay

Sila’y makapagtapos, Toga’t diploma maging kanilang taglay

Subalit sa hamon ng buhay

Tila ba ito’y sinusubok ng tunay

Murang isipan minsa’y nagiging mapusok lang

Tuksong pag-ibig minsa’y nagiging hadlang

Sa pag-aaral ng ilang kabataan

Pati na rin sa kanilang kinabukasan

Toga o trahe de boda?

Ano nga bang dapat mauna?

Minsang pagkakamali’y desisyon biglang naiiba

Kaya bilang guro, kailangang gumabay

Upang buhay ng ating mag-aaral ay di sumablay

By: APRILYNE S. MENDOZA /TEACHER I/ BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL/BALANGA CITY, BATAAN