Maraming tungkulin ang ginagampanan ng bawat magulang sa kanilang tahanan at pamilya. Isa na rito ang pagiging isang guro sa kanyang anak na nag-aaral sa kanilang tahanan. Nang dahil sa pandemic minabuti ng DepEd na magkaroon ng malayuang pag-aaral ang mag-aaral para sila ay protektahan sa panganib na dulot ng Covid-19. Upang hindi mahinto sa pag-aaral ang kanilang mga anak, minabuti nilang ipasok ito sa online class o para sa walang internet sa kanilang tahanan mas pinili na lamang nila mag-aral gamit ang modyul. Kahit alintana sakanila na magiging mahirap ang kanilang magiging tungkulin hindi pa rin iyon naging hadlang para itigil ang pag-aaral ng kanilang anak.
Tungkulin ng mga magulang at anak na laging may komunikasyon sa kanilang paaralan. Bilang guro sa inyong tahanan dapat mayroon ding routine na sinusunod ang iyong anak upang hindi niya ipagwalang bahala ang kaniyang pag-aaral, kailangan din natin ipakita ang ating suporta hindi lang bilang guro kundi bilang magulang, magbigay din ng mga aktibidad sa inyong anak gaya ng ginagawa ng isang ganap na guro sa paaralan. Tignan natin ang lugar kung saan nag-aaral ang iyong anak, at payuhan natin sila na pumunta sa isang tahimik na lugar kung saan hindi siya maiistorbo para makapagfocus sa kaniyang pag-aaral.
Hindi lamang ang magulang ang may tungkulin para masiguro ang iyong pag-aaral. Bilang mag-aaral mayroon din tayong mga tungkulin na dapat gawin, gaya na lamang ng pagtatrabaho ng mahusay at maayos sa pinapagawa ng inyong guro. Pagpasa sa takdang araw o oras na binigay sa inyo, at patuloy na isapuso o isagawa sa tahanan ang mga patakaran sa inyong paaralan. Tungkulin din ng mga estudyante na sila ang gumawa ng kanilang mga aktibidad. Kapag sila ay nakaharap na sa online class, maging magalang sa pagsagot o pakikipagusap katulad ng ginagawa nila kapag harapan.
Dagdag pa rito dapat siguraduhin nating ang kaligtasan ng ating mga anak sa harap ng kompyuter o laptop. Mabuting paalalahanan natin sila na gamitin lamang ang teknolohiya sa oras na itinakda ng kanilang paaralan o guro, kausapin siya sa maaaring maging epekto sa pagbababad sa teknolohiya. Ganun pa man, marami ang nahihirapan sa sitwasyon ngayon, maraming studyante ang nalulungkot, naiistress at nagaalala sa bagong pangyayari, kaya ang tungkulin ng magulang ay maglaan ng oras para mapag-usapan ang lagay ng kaniyang anak, kung ito ba ay may nararamdaman, o may mga bagay na dapat gawin na nais ng tulong mula sayo. Sa paraang ito, mababawasan ang kanilang stress o iniisip dahil mayroon dumadamay sa kanila.
Tungkulin din ng mga magulang na magbigay impormasyon sa paaralan tungkol sa kanilang anak na nagkaroon ng epekto sa pag-aaral nito, gayun din, may karapatan din ang mga magulang na malaman ang mga impormasyon tungkol sa progreso ng kaniyang anak sa pag-aaral. Nagiging positiobo at tagumpay ang pag-aaral ng bata kapag may ugnayan sa pagitan ng magulang, paaralan at mag-aaral. Dahil ang tungkulin ng magulang ang susi sa maayos at matagumpay na pag-aaral ng bata.
References:
PowerPoint Presentation (samfok.is)
Pag-aaral mula sa bahay: Impormasyon para sa mga magulang at mga tagapag-alaga – Filipino
By: Margie S. Junio | Teacher I | Jesus Is Lord Christian School