VALUES NOON VERSUS VALUES NGAYON

“Knock, knock.”  “Who’s there?”  “Values.”  “Meron pa ba noon?”  Nakakalungkot kung iyan ang ating maririnig sa ngayon. Bakit? Nawawala na ba ang “values?”  Hindi ba meron nga tayong Values Education na subject sa high school at sa college , bakit sasabihing nawawala na ito ? Sa elementarya ay may asignaturang Edukasyon sa Pagpapahalaga o iyong…


“Knock, knock.”  “Who’s there?”  “Values.”  “Meron pa ba noon?”  Nakakalungkot kung iyan ang ating maririnig sa ngayon. Bakit? Nawawala na ba ang “values?”  Hindi ba meron nga tayong Values Education na subject sa high school at sa college , bakit sasabihing nawawala na ito ? Sa elementarya ay may asignaturang Edukasyon sa Pagpapahalaga o iyong dating tinatatawag na Character Education , bakit sasabihing nawawala na ang “values ?”

Sa isang bus o mini-bus  kapag ikaw ay sumakay at nagkataong puno na ang pasahero, iilan na lamang ba ang nag-aalok na ikaw ay paupuin lalo’t ikaw ay babae? Hindi ba’t mabibilang na lang sa ating mga daliri ang boy iskawt na handang mag-alok ng silya sa punuang pampasaherong sasakyan? Sa paaralan  naman kung nakakasalubong ang ibang guro na hindi kakilala ay madalang na lamang ang bumabati ng “Good morning”  o  “Good afternoon.” Kahit na nga nakakabungguan minsan ang titser ay hindi man lamang magsabi ng “Sorry,”  ang nakabunggo.Kung may napulot naman na wallet o anumang mahalagang bagay na may mataas na presyo minsan ay hindi na naiisipang isoli. Nasaan na ang “Honesty is the best policy?”Sino kaya ng may kasalanan?

Ang “values” noon ang gaganda sapagkat nagpapakita ng pagiging magalang, matapat, mapagmalasakit at iba pang magagandang katangian ng mga mag-aaral na Pilipino. Subalit sa ngayon tila kabaligtaran lahat ng magagandang katangian ng Pilipino ang nasasalamin sa ginagawa ng mga kabataan. Kaya’t ang tanong saan nga ba  nagkamali, sa pagtuturo ba o sa mismong tinuturuan ? Kung anuman ang kasagutan sa tanong na ito, huwag sana nating kalilimutan natin ang “values” noon ay walang dudang mas higit na maganda kaysa sa “values” ngayon.Mas higit nating panaigin ang magagandang katangian ng mga mag-aaral na Pilipino higit lalo’t ang kanilang mga guro kaysa sa “values”  ngayon na puro materyal na bagay at panandaliang kaligayahan lamang ang dulot.

Ang dangal ng mga mag-aaral na Pilipino ay muling ibabangon ng “values” noon,magalang,matapat, mapagmalasakit at iba pang positibong katangian.

“Knock,knock.” “ Who’s there ?”  “Values” ” Meron pa ba noon? “ “Oo, meron pa.”

Tingnan mo lang si Ma’am na dedicated at may commitment sa ginagawa niyang pagtuturo sa kabataan ng kagandahang asal, meron pa ngang “values” noon. Hanggang sa muli,atin pa rin ang kagandahan ng ugali ng mga mag-aaral at gurong Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa magmula noon magpahanggang ngayon.

 

 

By: Mrs.Agnes M. Fajardo | Teacher III | Casupanan Elementary School | Palihan,Hermosa, Bataan