Visitas A Domicilio

Sa terminolohiyang tagalog ito ay nangangahulugan pangkalusugan pagbisita sa tahanan o pagdalaw. Sa larangan ng edukasyon ito ay isang gampanin o responsibilidad ng isang guro sa kanyang mga mag-aaral na kung saan ay binibisita  sa tahanan upang malaman at makausap ang mga magulang kung bakit ang isang mag-aaral ay hindi nakakapasok sa klase. Isa rin…


Sa terminolohiyang tagalog ito ay nangangahulugan pangkalusugan pagbisita sa tahanan o pagdalaw. Sa larangan ng edukasyon ito ay isang gampanin o responsibilidad ng isang guro sa kanyang mga mag-aaral na kung saan ay binibisita  sa tahanan upang malaman at makausap ang mga magulang kung bakit ang isang mag-aaral ay hindi nakakapasok sa klase. Isa rin ito sa mga magandang kultura ng departamento ng edukasyon.

 Dahil dito nagkakaroon ng malalim at malawak na ugnayan ang mga magulang at guro upang lalong matulongan ang mga mag-aaral. Marami na ako nabasa ng mga artikulo patungkol dito nilakad ng ilang kilometro ang tahanan ng kanyang mag-aaral , sumakay sa bangka upang mapuntahan ang isang isla na kung saan doon naninirahan , inakyat ang isang bundok . Tinawid ang isang mapanganib na lugar upang mapuntahan ang tahanan ng kanyang mag-aaral.Nalaman at nasaksihan kung ano ang problema.

 Dala dala ni titser ang isang modyul o aklat ng nilalaman ng mga aralin upang makahabol pa rin sa pinag-aaralan ang studyanteng hindi kayang pumasok sa klase sa kung ano pa man na dahilan.Ang pagmamahal sa edukasyon , pagaaruga , pag-aalala at pagmamahal sa mga mag-aaral. Ito ay mga positibong pananaw ng isang guro. At kung lahat ng guro ay may ganitong katangian maraming mga kabataang Pilipino ang matutulongan makapagtapos ng kanilang pag-aaral at matupad ang kanilang mga pangarap sa buhay.

By: Ms.Ethelrine A.Villanueva | Teacher II | Bataan National High School | Balanga City, Bataan