WAG KANG MAYAMOT KUNG IISIPIN MONG PARA SA PASAWAY NA KABATAAN ‘TO DAHIL UNA SA LAHAT KUNG HINDI KA PASAWAY HINDI PARA SA’YO ‘TO!

Hindi ko kelangang magbisyo (uminom ng alak o manigarilyo) para lang masabing astig ako. Hindi ko kelangang makipagaway o makibahagi sa fraternity at maging magulo para lang masabing matapang ako. Maraming kabataang nag-a-akala na ang masaya at cool na buhay ay ang paggawa ng ganitong mga bagay, at kung hindi nama’y iniisip nila na ito’y solusyon…


Hindi ko kelangang magbisyo (uminom ng alak o manigarilyo) para lang masabing astig ako. Hindi ko kelangang makipagaway o makibahagi sa fraternity at maging magulo para lang masabing matapang ako. Maraming kabataang nag-a-akala na ang masaya at cool na buhay ay ang paggawa ng ganitong mga bagay, at kung hindi nama’y iniisip nila na ito’y solusyon para makalimot sa mga problema nila sa pamilya at personal. Nakakalungkot isipin dahil ang inaakala nilang masayang barkada kasama ng mga trip nila na makatutulong sa paglimot ng problema ay maaaring magdala lamang ng mas malaking problema, dahil sigurado kung kabahagi ka sa mga ito ay malapit ka sa gulo. Hindi pa-astigan ang buhay gaya ng akala ng mga kabataang nagbibisyo para masabing astig sila. Dahil ang tunay na astig ay ang mga taong may disiplina sa sarili para sa isang malusog na buhay. At hindi rin patapangan ang dahilan kaya tayo nabubuhay gaya ng mga kabataang walang ginawa kundi makisangkot sa gulo o makibahagi sa tinatawag nilang brotherhood. Ang tunay na matapang ay ang mga taong malakas ang loob na humarap sa problema at hindi kelangan ng magulong barkada para makalimot sa problema. Isa akong kristyano, pero hindi ko sinasabi na perpekto ako. Minsan nagkakamali sa mga desisyon, minsan naliligaw, at minsan dumadanas ng mabibigat na problema. Pero sa mga pagsubok na ‘to hindi ko naisip na magrebelde sa buhay. Sa lahat ng bagay na nararanasan natin sa buhay isa lang ang kailangan. Higit sa bisyo, barkada o ano pa…ang Diyos na magtatama, magtutuwid, at tutulong sa lahat ng problema ang maaasahan sa lahat ng pagkakataon. At xempre kung may Diyos ka sa puso mo, ikaw na ang totoong masayang tao. 🙂

By: Zerjohn Paul D. Guinto