WALANG BALAKID SA EDUKASYON

  “Mahirap humanap ng signal. Ang mahal din magpaload kada lingo! Nakakatakot lumabas para kumuha ng module” Ito ay ilan lamang sa mga alalahanin ng mga magulang at mag-aaral na nag-aaral sa modality na online class at modular. Noong Marso 2020 nagimbal ang buong bansa sa pagdating ng virus na tinawag natin na COVID 19.…


 

“Mahirap humanap ng signal. Ang mahal din magpaload kada lingo! Nakakatakot lumabas para kumuha ng module”

Ito ay ilan lamang sa mga alalahanin ng mga magulang at mag-aaral na nag-aaral sa modality na online class at modular. Noong Marso 2020 nagimbal ang buong bansa sa pagdating ng virus na tinawag natin na COVID 19. Hanggang sa lumaganap na ang sakit na ito sa halos lahat ng panig ng ating bansa. Nakakatakot at napakahirap ng sitwasyon para sa ating lahat na mga mamamayan. Hindi mawala ang pag-aalala para sa ating pamilya lalo na sa mga nagtatrabaho nating mahal sa buhay. Lubos ding nakakabahala para sa mga buntis ,mga bata at matatanda na o senior citizen dahil mas mahina ang kanilang resistensya at madali madapuan ng sakit.

Dahil sa pandemya hindi na rin pinahintulutan na magkaroon ng normal class o face to face class sa ating bansa dahil na rin sa pagkabahala ng ating pamahalaan na lalong dumami ang bilang ng magkasakit. Matagal ding pinag-isipan kung itutuloy pa ba ang pagbubukas ng klase ngayong taong 2020 o hindi na muna. Dahil na rin sa pagpupursigi ng DEPED sa pangunguna ni Sec. Briones ay nakaisip ang ahensya ng edukasyon ng solusyon sa ating prolema. Ito ay ang tinatawag nating “new normal class”

Kabilang sa tinatawag nating “new normal” ang pag-aaral sa tulong ng modalities na online at modular. Mamimili ang mag-aaral kung anong modality ang kaya nya sa pag-aaral. Kung mayroon silang malakas na internet connection sa kanilang tahanan ay mas mainam kung pipiliin nyang mag-online class dahil mas magagabayan siya ng kanyang mga guro sa bawat aralin. Kung mayroon namang mga mag-aaral na nakatira sa malalayong lugar kung saan walang signal ay maaari niyang piliin ang modular na modality na kung saan kukuha sya ng module na sasagutan niya kada lingo. Maaari rin dalin ang mga module sa kanilang mga barangay upang mas madali nila itong makuha at masagutan. Tunay na kinakailangang paggugulan ng mas mahabang oras ng mga mag-aaral ang pag-aaral ngayon dahil hindi sila sapat na magagabayan ng kanilang mga guro. Kaya naman kinakailangan ng paggabay mula sa kanilang mga magulang.

Mas mahirap rin para sa mga guro ang new normal set-up dahil mas dumami ang kanilang gawain kaysa sa normal class. Bukod kasi sa pagkakaroon nila ng online class ay abala rin sila sa paggawa ng module, pagpapamigay at pagkuha nito sa mga mag-aaral na nasa modular na modality bukod pa rito ang kanilang paper works na dapat asikasuhin  Sila rin ay expose sa samu’t saring mga tao na kanilang nakakasalamuha sa pag-aasikaso ng module ng mga mag-aaral.

Mas mahirap man para sa mga mag-aaral, guro at mga magulang ang ganitong sitwasyon ay ginagawa pa rin nila ang lahat upang magpatuloy ang edukasyon. Sa patuloy na pagtutulungan ng bawat isa ay malalampasan din natin ang sitwasyong ito ng sama-sama at nag-iingat. Tunay na walang imposible basta may pagtutulungan sa gitna man ng pandemya.

By: Gng. Ma. Rica E. Adriano | Teacher II | BNHS-Senior Highschool | Balanga CIty, Bataan